Chapter 38

53 3 1
                                    

~PAIN~

 

MAY konting kirot pa akong naramdaman sa aking ulo ng magising ako. Babangon na sana ako ng matigilan ako dahil may nakahawak sa aking kamay. Ng matignan ko. Nakita ko si kamatis, nakaupo ito sa sahig at nakahiga ang ulo nito sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang isa kong kamay. Bumalik sa isipan ko iyong ginawa ni Samuel. Nagtagis ang mga bagang ko. Pero bago pa tuloyang mapuno ng galit ang kalooban ko ng maalala iyong ginawa ni kamatis.

 Ano bang ginawa nito kagabi?

Ang narinig ko lang naman ay malakas na tunog at kahit nahihilo at nanlalabo ang mga mata ko. Klaro pa naman ang pandinig ko ng mga oras na iyon. Kaya hindi ako magkakamaling suntok ang narinig kong iyon. Namamanghang napatingin ako kay kamatis. Nakaya niyang manuntok kagabi?

Napailing ako na may ngiti sa mga labi. Mukhang napapabilib ako netong kamatis ah. At hindi lang sa pagtulong nito sa akin kagabi kundi sa pag-alaga na din. Ayaw ko kasing magpadala sa ospital, iisipin lang nilang mahina ako. Tsk.

“Baki…”

Ang akala ko gising na siya, yun pala hindi pa. Nakapikit parin ito at mukhang mahimbing parin ang tulog. Napataas ang isang kilay ko. Huwag niyang sabihing napapanaginipin niya ako?

“Kamatis.” mahinang yinugyog ko ang kamay nitong nakahawak parin sa aking kamay. Narinig kong umungol ito at unti-unting nagmulat ng mga mata. Nagkasalubong ang mga mata namin hangang nanlaki na lang ang mga mata nito saka napabalikwas ng bangon.

“Baki! Okay ka lang? may masakit ba sa iyo? may kailangan ka? gutom kana?”

Napailing ako sa sunod-sunod na tanong nito sa akin pero napangiti ako ng makita ko yung sobrang pag-aalala nito.

“Malakas na ako.” mayabang na sabi ko.

“Tsk. Mukhang okay ka na ah, ang yabang mo na ulit.” nakangising sabi nito saka na upo naman sa tabi ko. Dinala nito ang isang kamay sa aking noo at may sumilay na ngiti sa labi nito. “Mabuti na lang bumaba na yung lagnat mo.”

Naalala ko iyong sinabi niya sa akin kahapon tungkol sa Baguio. “Sasama na ako.” nakangiting sabi ko sa kanya. Kong ito lang yung paraan para makabawi sa lahat ng ginawa nito sa akin, why not. Sasama lang naman eh at mukhang kailangan ko din mag-relax matapos ng mahabang review, sa silver quiz bee at sa lecheng sakit ko ay kinakailangan ko talagang mag-relax.

Napakunot noo ito. “Saan?” nagtatakang tanong nito.

“Sa Baguio.”

Nanlaki ang mga mata nito at unti-unting sumilay ang matamis na ngiti nito. “Talaga? Sasama ka?”

“Oo, kailangan ko ding mag-relax.”

“That’s great! you made a good decision Baki.” masayang-masaya na sabi nito.

“Gutom na ako.”

Napatayo ito. “Iinitin ko na lang iyong soup na niluto ko para sa'yo, gigisingin na sana kita kagabi para kumain pero himbing na himbing na yung pagtulog mo kaya hindi na lang kita ginising.”

“Okay lang, tara kumain na tayo.” yaya ko at tatayo na sana ako ng alalayan pa ako nitong makatayo. Hinayaan ko na lang ito. Sabay kaming lumabas ng kwarto. “Hindi kaba hahanapin sa inyo?” kapagkuwan na tanong ko.

“Tulog na sila ng umalis ako sa bahay kagabi eh, pero i-t-text ko na lang sila mamaya na nandito ako sa apartment mo.” nakangiti paring sabi nito.

Ang gwapo nito ngumiti. “Hindi kaba natatakot na baka anong isipin ng mga magulang mo o ng lolo mo na nandito ka natulog sa bahay? lalo na’t babae ako at lalake ka.”

Umiling ito. “May tiwala naman ang mga magulang ko sa akin, at pareho naman tayong lalake eh.” nakangising sabi nito habang taas-baba pa ang mga kilay nito. Kunwaring tiningnan ko siya ng masama at kaagad naman itong nag-peace sign sa akin.

Napailing na lang ako.

“Tiyaka wala na pala si lolo.”

“Ano? patay na lolo mo?” nabulalas ko bigla. Biglaan naman?

“Hindi ganun, loko 'to, I mean umalis na si lolo, bumalik na sa Amerika.” paliwanag nito.

“Ah. Klaruhin mo kasi.”

Nakangiting iiling-iling na lang si Kamatis. “Maupo ka muna jan, ako na ang mag-iinit ng soup.”

Nakatalikod na ito sa akin kaya hinayaan kong kumawala yung mga ngiti ko sa aking labi. Si Kamatis lang ang bukod tanging nagpapangiti sa akin and I don’t want to lose a friend like him. Isang malaking kawalan kapag nawala ito sa akin. Bukod sa sarili ko, siya ang nag-iisang taong binibigyan ko ng importansiya.

“You really did cooked for me.” sabi ko ng i-hain nito ang bowl na may lamang soup na umuusok-usok pa sa init.

“May isa kasi akong salita Baki, kapag-sinabi ko, asahan mo gagawin ko talaga iyon.”

“Noted.”

“Kumain kana, para makainom ka ulit ng gamot upang tuloyan ng umalis ang lecheng lagnat mong 'yan.”

“Yes sir.”

Napangiti ulit ito. “Ganyan ka sana lagi.”

“Eh?”

“Iyong masunurin ka, hindi matigas ang ulo, lagi mong susundin ang sasabihin ko.”

“Tsk.”

“Basta tatandaan mo ito lagi Baki, kapag may naramdaman kang mali sa katawan mo, sabihin mo sa akin, huwag iyong ilihim mo, ano pang-naging magkaibigan tayo diba? tiyaka huwag ka ng pumasok sa school o sa trabaho kong alam mo ng hindi kaya, huwag mong pilitin ang katawan mo.”

“Yes sir.”

“Good girl.” he said in patted my head like a dog.

Kaagad kong inalis ang kamay nito sa ulo ko. “Huwag mo akong gawing aso.” saway ko.

“Ang cute mong aso kong nagkataon.”

I just rolled my eyes.

~SEE YOU IN NEXT CHAPTER~

Yun ang sweet ng dalawa…

♥♥♥

Halatang minadali no? ikli lang? hahaha sorry naman po, excited ako sa next chapter eh….BYAHENG BAGUIO tayo! yeeheey!! Haha hindi pa ako nakapunta sa Baguio kaya nga supper effort ako mag-research about sa Baguio lalo na sa mga places na pweding puntahan nila. Sa paraang ito, parang nakapunta na din ako ng Baguio hahaha. Using my wide-wide imagination :D

Basta ang gusto ko lang ay mag-enjoy kayo at mag-relax sa trip na ito.

Thank you sa pagbabasa and God Bless us :>

-KimYunHae.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon