~FOREST~
SAFE naman akong nakabalik sa school kahit halos paliparin ko na yung kotse ko sa pagmamadaling makarating ng EHS. Bago ako pumunta sa next subject namin na Filipino which is nasa ground floor lang naman kaya hindi na ako mahihirapan pa, kaya pumunta muna akong gym para isauli ang jacket at kailangan ko ding humingi ng tawad dahil ang sabi ko, hintayin niya ako. Naku! nakalimutan kong pinaghintay ko ang batang yon! hahaha sa kulay ng university jacket na suot nito ay masasabi kong second year palang ito dahil may kanya-kanyang kulay ang bawat year para organize at madaling matukoy kong anong year na ang magsusuot ng jacket.
Pagpasok ko sa gym, nakita ko itong nakaupo sa bleacher’s, nag-iisa na lang ito. Mas lalo tuloy ako naawa dito dahil naghintay siya mag-isa. Tsk. Sorry naman. “Pasensiya na bro kong natagalan, naghintay ka tuloy.”
“Okay lang 'yon Forest.” nakangiti ito at masasabi kong hindi iyon plastik.
“Heto na pala ang jacket mo, hindi na ako magtatagal kailangan ko ng pumasok sa klase ko at ikaw din, salamat ulit.” nagpaalam na ako matapos kong maibigay ang jacket nito at tumakbo papuntang classroom namin para sa Filipino subject.
“Pasensiya na Binibining Cruz kong nahuli ako sa klase.” sabi ko ng pagpasok ko sa loob, nagsisimula na kasi itong mag-discuss. Tagalog ang dapat gamitin na salita kapag Filipino ang subject kaya huwag na kayong magtaka kong bakit straight-tagalog ang ginamit ko.
“Okay lang iyon Ginoong Everton, pumasok kana dahil kaka-umpisa palang ng klase.” nakangiting sabi ni Miss Cruz, mas gusto ko naman si Miss Cruz kaysa kay Miss Rolly dahil mas mabait itong Filipino teacher namin. Sabagay tumatanda na kasi si Miss Rolly at itong si Miss Cruz kong tatantiyahin ko ay nasa mid-30’s palang ito. Kakaiba talaga kapag tumatanda ang tao. Tsk. Na upo na ako sa aking pwesto at nakinig na sa tinatalakay ni Miss Cruz.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang Filipino subject namin. Lunch time na. Habang binabalik ko yung notebook ko sa aking backpack ng biglang sumulpot sa harapan ko si Taki na sparkling eyes parin.
“Nalaman mo ba dre ang pangalan ni Miss Beautiful?” he said in his dreamy voice.
Hindi ko siya pinansin dahil kay Pyro ako bumaling. “Anong nangyari sa hapong 'to?” tanong ko kay Pyro at tinuro si Taki.
“Na love at first sight.” sagot ni Pyro.
“What? hahahahahaha bakit ba ang hilig-hilig nyo sa love at first sight? Tsk.” natatawang sabi ko sa kanila. Totoo naman eh, si Pyro na love at first sight kay Yami tapos itong si Taki ganun din? Anak ng teteng! Ang kokorni nila! Hahahaha
“Ikaw din nga eh, na love at first sight ka kay Pain.” parinig din ni Taki.
Natigilan naman ako sa kakatawa ng marinig ang pangalang iyon. “Tumigil ka dahil hindi ko naramdaman 'yon sa weirdong Baki na 'yon! At pano mo nagustohan ang Megaphone na 'yon? nakakarindi ang nakakabingi niyang boses! Peste! sinabihan pa akong manyak, tsk, sa gwapo kong to.”
“Huwag mo namang pagsabihan si Miss Beautiful ng ‘peste’ nasasaktan ako.” nakangusong sabi ni Taki at ang lungkot ng boses.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...