Chapter 76: New Struggles

97 6 1
                                    


LEXUS' POV

Pinipigilan ko ang luha ko na hindi pumatak. Nakangiti ako kay Candy na ngayon ay umiiyak. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila. Ako lang ang nandito na kasama niya, hindi niya na pinasama mga kaibigan niya dahil nga baka mag-iyakan lang sila at baka hindi na siya tuluyang makaalis dahil sa kanila.


"Tahan na. Baka akalain ng mama mo pinapaiyak kita." Sabi ko at yinakap siya para patahanin.


"Parang ayaw ko ng umalis Lex, gusto ko kayong makasama." Sabi niya sa akin. Bumigat ang nararamdaman ko. Kahit ako din ayaw kong umalis siya sa tabi ko pero wala akong magagawa. Sa tingin ko din, ito ang tama.


Para hindi siya mahirapan, hindi siya pahirapan. Kahit gusto ko siyang pigilan, hindi ko magawa dahil nga hindi lang ito tungkol sa amin, kundi pati narin yung kinabukasan niya.


"Sabi ko naman sayo na hindi naman kita iiwan eh. Distance, yan lang naman ang kalaban natin. Pero babalik ka naman diba? Kaya wag ka ng mag-alala. Wag kang paranoid, sa pagsasama natin hindi ko hahayaan na merong makasira sa relasyon natin. Kaya mag-aral ka nalang ng mabuti at ganun din ako. Pagkatapos nating grumaduate, pupuntahan agad kita sa Canada."


"Sorry kung magkakalayo tayo Lex, pero tama ka. Kailangan ko ito para patunayan na hindi kayo masamang inpluwensya sa akin. Papatunayan ko na mali yung iniisip nila sa inyo. Kaya sana habang wala ako maging okay kayo. Lex, please habang wala ako ikaw na muna ang magbantay sa mga kaibigan ko." Sambit niya.


"Ako na bahala sa kanila. Pag-uuntugin ko sila kapag nag-away sila." Pabiro kong sabi sa kaniya kaya sinuntok niya tyan ko kaya napa aray ako.


"Basta yung bilin ko din sayo, sundin mo. Wala man ako sa tabi mo pero may mga mata ako sa paligin. No boys. Yan ang pinaka-ayaw ko Candy. Kung may problema ka, tawagan o i-chat mo lang ako. Kung gusto mo ng kausap nandito lang ako. Wag kang maging pasaway kay mama, para payagan parin tayo na magkita sa susunod." Sabi ko. Tumango-tango naman siya.


"I love you lex. Salamat sa pag-iintindi sa akin." Hinawakan niya yung pisngi ko. Pinunasan niya pala yung luha ko, hindi ko alam na umiiyak na din pala ako gaya niya.


"I love you too Candy. Mag-iingat ka palagi ha? Lahat ng bilin ko wag mong kakalimutan."


"Candice, let's go. Baka ma-late tayo sa flight." That's what her mother told her. Hindi niya ako pinansin at deretso lang sa paglalakad. Kahit ganun hindi parin ako susuko at lalong lalo na hindi ako makikipaghiwalay sa taong mahal ko.


"Sige na, baka ma late pa kayo ng mama mo sa flight niyo." Sabi ko at pinunasan ko narin yung luha niya. Bago pa siya makahakbang paalis, mabilis ko siyang hinawakan sa mukha at hinalikan siya sa labi. Nagulat siya pero nginitian ko lang siya.

"Sige na, hinihintay kana ni mama mo." Sabi ko. Yinakap niya ako ng mahigpit bago tuluyang lumakad paalis.




***


"Talaga bang hindi ka sasama sa amin?" Tanong ni ate Jemma kay Jenny.


"Hindi na ate, okay na ako dito, tsaka po nakahanap na po ako ng university at tutuluyan ko." Sagot naman ni Jenny.


"Ayos ka lang ba talaga na hihiwalay ka sa amin? Lilipat na kami at pupuntang Manila, may rerentahan tayo doon na bahay at kasyang kasya tayo doon." Sabi ulit ng ate niya.


"Mas komportable po talaga ako dito, tsaka po may trabaho na po akong pinapasukan kaya hindi niyo na po kailangang mag-alala sa akin." Tinignan ko si Jenny. Ano ba ang problema niya at ayaw niyang sumama sa kanila?


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon