JENNIFER'S POV
Hindi ako makatulog dahil natatakot parin ako dahil mag-isa ko lang dito sa napakalaking kwartong ito.
Napatingin ulit ako sa bintana. Umiiral na naman pagkapraning ko.
Wala naman sigurong multo dito diba? ano ba jenny?! Walang multo sa totoong buhay! matulog kana!!!
Alas-dos na ng madaling araw pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
*tok tok*
Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa gulat.
"S-Sino yan?" Kinakabahan kong tanong.
Bumukas naman ang pinto, napayakap ako sa unan.
"Okay ka lang ba dyan?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko sila tita at tito, kasama narin si Lance.
"A-Ahh... okay lang naman po ako." Pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman at hindi ka takot." Sabi naman ni Lan. Sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya kasing matatakutin ako.
"Mabuti at wala ka ring nararamdaman nakakaiba dito." Sabi pa niya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" oh no. Please lang...
"Kasi noong nagkwarto ako dito, hindi ako mapakali."
"Oo nga hindi ko pa naikukwento sayo na marami ng namatay sa kwartong ito." Singit ng mommy niya. Bigla akong nanlamig.
Seryoso ba sila?
"Ano ba kayo, wag niyo ngang takutin si Jennifer baka hindi na makatulog yan. Bukas niyo nalang ikwento yan." Singit naman ng daddy niya.
"P-Po? Marami ng namatay dito sa kwartong ito?"
"Hahahaha! Joke lang yun darling! Ito kasing si daddy mo at itong asawa este boyfriend mong si Lance naisipang pagtripan ka." Tawa ng mommy niya.
Pero ano? Boyfriend ko daw si Lan?
"Mom naman ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko pa girlfriend si Jen." Nakukulitang sabi ni Lan sa mommy niya.
"Doon narin naman ang punta niyo bakit niyo pa patatagalin."
Hayst.
"Oh siya siya, jennifer okay ka lang ba dyan mag-isa? Baka natatakot ka na mag-isa?" Nakangiting tanong sa akin ng daddy niya.
"Kung natatakot ka na mag-isa, lumipat ka nalang sa kwarto ni Lance." Dagdag pa niya. Napakamot naman ako sa batok ko. No way. Mas okay na dito nalang ako, kahit nakakatakot. 'di nalang ako matutulog.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
ספרות נוער[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...