MICA'S POV
Nandito ako ngayon sa tambayan namin, dito sa likod ng school sa ilalim ng puno.
Wala lang, nag rerelax lang ako.
"Bakit ba nagpakita ulit siya?" Kausap ko sa sarili ko.
"Nakakainis! Aalis alis siya tapos babalik din?"
"Anong balak niya ngayon? Kukunin niya kami? Tss. Hinding-hindi ako sasama sa kaniya." Inis na inis na sabi ko.
"Pero paano niya nalaman na dito ako nag-aaral?"
Pumikit ako at humiga sa damuhan sa ilalim ng puno.
Ikinalma ko ang sarili ko.
Hindi ko naman sinabi sa kaniya, kasi wala naman kaming contact sa kaniya.
Tsaka bakit naman namin sa sabihin sa kaniya?
Tss. Nakakaasar naman oh!
Clueless ako ngayon! Nakakairita talaga!
Paano kung kunin niya mga kapatid ko? Paano na yun?!
Kinakabahan ako. Tss. Ayaw kong mahiwalay sa mga kapatid ko.
"You know what, to solve your problem. Listen to the explaination of your mother." Biglang may nagsalita.
Napamulat ako. Nakita ko si vince na nakaupo sa tabi ko.
Tinignan ko siya.
"Nasasabi mo yan kasi hindi mo alam ang nararamdaman ko." Sabi ko sa kaniya.
"Yeah, maybe i don't know about what you feel. But do you think that your pride will make you happy?" Tanong niya sa akin.
Tss. English alert. Nosebleed ako dun ah. Straight na english yun eh!
Hay...
Napaisip ako sa sinabi niya. Magiging masaya ba ako kung magiging mapride ako? Hindi naman ako mapride ah.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko.
"Will you sit properly? Don't lay down there." Sambit niya.
"Pake mo ba?" Sabi ko pero nakapikit parin.
"Kasi sa ikli ng palda niyo, masisilipan kayo niyan eh. Tss." Sermon niya.
Kaya umupo na ako ng maayos.
Hindi parin ako umiimik.
"Listen to your mother. Malay mo meron pala siyang reason kung bakit ka niya iniwan." Sambit niya.
Tinignan ko siya. Napaka pakealamero niya. Akala mo alam niya lahat.
Hindi niya alam ang nararamdaman ko. Kung gaano ako nalilito ngayon.
Kung ano ang gagawin ko.
"Wag kang makealam. Wala kang alam sa nangyari." Malamig kong sabi.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...