ARIEL'S POV
Kainis talaga yung lalaking yun!
Urrgh! Kaasar!
"Anyare sayo? Bakit ganyan itsura mo?" Natatawang sabi ni charline.
"Kainis kasi yung rey na yun! Nakakabadtrip!" Inis na sabi ko.
"Hahaha! Halata nga." Sabi nito.
"Bakit? Ano bang ginawa niya sayo?" Tanong naman ni jennifer.
"Sinabi ko kasi na kaya ako hindi nakapag concentrate, dahil sa mga sigawan ng mga tao. Tapos sinabi niya bagay daw kami, at agree pa siya sa sinasabi ng ibang tao! Kainis lang!" Galit na sigaw ko.
"Pero bagay naman talaga kayo eh." Sabi ni candice.
=_____=
Parang gusto ata nitong makatikim ng tae ah.
"Hahaha. Oo nga, bagay kayo. Tapos kanina, ang sweet niyo." komento pa ni jennifer.
Isa pa ito!
"Tss. Never! Tsaka di kami bagay noh! Kay Jungkook lang ako babagay!" Sagot ko at inirapan siya.
"Sus! Pero deep inside kinikilig siya nung sinabi yun ni rey. Ayyiiie~" pang aasar pa ni candice.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Seryoso? Ako kikiligin? Tss. Bakit naman ako kikiligin?
Pag si jungkook ang nag sabi sa akin nun, malamang nahimatay na ako sa kilig pero pag siya tss. Parang gusto kong pumatay +___+
"Joke lang ito naman!" Sabi ni candice kaya tumigil na sila sa pang aasar.
Hinihintay namin ang result ng performance namin.
Ilang minuto kami nag hintay.
"Wow! Ang gagaling mga performance nila diba? Pero sino kaya ang mananalo?" MC
Mamaya pa ay inanunsyo na ang mga runner up.
Pero hindi parin nababanggit ang pangalan namin ni rey.
Kinakabahan ako, baka matalo kami. At pag natalo kami ako na naman ang sisisihin ni rey.
At baka kung ano pa akong gawin niya sa akin. huhuhu. T__T
"And the champion is...."
"KIMMY AND WARREN! CONGRATULATIONS! PLEASE COME UP IN THE STAGE!"
Nanlumo ako. Patay talaga ako nito kay rey mark.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...