MICA'S POV
Ngayon meron kaming practice sa pageant. Pagod na pagod na nga ako eh. Tsk.
Lakad dito, lakad doon.
Pose dito, pose dito. Tss. Tapos kailangang naka ngiti pa. Arte noh?!
Gustong gusto ko na talagang mag quit kaya lang naiinis talaga ako kay vincent kasi yung sa sinabi niya sa akin na maraming peklat.
Tsk. Sarap patayin eh! Kainis talaga totoo.
Mapapahiya lang ata ako dito eh!
"Please paki ayos pag lakad at pag pose mo, wag mo akong ipapahiya. Tsk. Ayaw kong matalo sa contest na ito." Malamig niyang bulong sa akin.
"Tsk. Ipapatalo ko ito. Walang kwenta." Bulong ko pabalik sa kaniya.
"Tss. Let's just do our best." Bulong niya ulit.
"Tss. This is so boring." Tinatamad kong sabi sa kaniya.
"Ayusin mo lang ang pagrampa, and Im sure you'll enjoy it." Sabi niya sa akin.
"Psh. Whatever." Irap ko sa kaniya at rumampa na kami.
***
Katatapos lang practice namin. Pupuntahan ko sila ariel, kakamustahin ko sila sa practice nila.
Pumunta ako sa music room. Ang nag papractice pala doon ay sila candice at Lexus.
Pumasok ako.
"Kamusta pag papractice?" Tanong ko kay candice.
"Mukhang matatalo kami, kasi hindi ayusin ng kaibigan mo yung boses niya. Tss." Protesta ni lex. Siya ba ang kinakausap ko?  ̄ˍ ̄
"Sinabi ko naman kasi sayo, ayaw ko ng kantang napili mo." Depensa naman ni candice.
"Tss. Ang pangit naman kasi ng renerequest mo." Saad ni lex.
"Tsk. Bahala na nga." Sabi ni lex.
"Tapos na kayong mag practice?" Tanong ko kay candice.
"Oo, tara na." Yaya niya.
"Teka! Anong tapos na?! Hindi pa tayo tapos mag practice." Sita sa kaniya ni Lex.
"Tss. Sabi mo nga bahala na. Kaya ok lang yan." Sambit ni candice.
"Aish! Candy! Sinabing hindi pa tayo tapos!" Sigaw nito.
"Wag mo nga akong tawaging candy! Tsaka, Matagal na tayong tapos!" Sigaw sa kaniya ni candice.
Ow-kay? Tsk. Iba ang nasa isip nitong babaeng ito.
Practice ang tinutukoy ni Lex hindi yung... urrgh! Basta.
"Tsk. Paano kung sabihin kong hindi ko ginusto yun?" Seryosong tanong ni lexus sa kaniya.
Iba na ang pinag uusapan nila. Tsk akala ko ba practice?!
"Ummm-----" biglang nagsalita si Candice. Hindi pa nga ako tapos magsalita eh. -____-
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Fiksi Remaja[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...