Chapter 92: Rest Days

106 4 3
                                    

MICA'S POV

Two days ago noong magkaayos na kami ni Vince.


Kakatapos lang namin ngayong magtraining ni Vince at kami nalang ang hinihintay sa van dahil nga we were going on a trip or should I say a short vacation. Pinayagan naman kami ng CEO kaya ayun.


"Ako na magdadala ng mga gamit mo." Sabi sa akin ni Vince pero hindi ako pumayag.


"No, kaya ko naman. Tsaka hindi naman ganun ka bigat."


"Sige lampungan pa, kung pumasok na kaya kayo dito para makaalis na." Singit naman ni Jenny na nasa loob na ng van.


"Don't be too excited Jen, hours din ang tagal bago makarating doon. Hayaan mo silang dalawa. Ako nalang pansinin mo." Parinig naman ni Lance.


"Ayan, selos tuloy yung bebe mo. Iba kasi pinapansin mo." Sabi ni Ariel.


"Baliw." Irap naman sa kanila ni Jenny.


Pumasok naman na kami ni Vince. May driver kami ngayon kaya naman sobrang ingay nila.


"Excited na ako. Ano una nating gagawin?" Tanong naman ni Candice.


"Matutulog." Sagot naman sa kaniya ni Jenny. Napailing naman ako. Ito na naman si antukin.


"Let's sleep together." Rinig kong sabi ni Lance kay Jenny.


"Anong sleep together? Walang matutulog! Swimming agad tayo." Sabi naman ni Charline.


"Agad? Hindi ba pwedeng libot muna?" Saad naman ni Ariel.


"Oo nga, libot muna." Singit naman ni Rey.


"How about you? What do you want to do once we got there?" Tanong naman sa akin ng katabi ko.


"Maybe rest? I don't know. Sila ang bahala." Sagot ko sa kaniya. Pagod din kasi ako dahil galing kaming training. Siguro ganun din ang nararamdaman ni Vince.


Pero pwede rin na hindi siya pagod dahil immune na.


Habang nag-uusap sila hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tatlong oras din ang naging byahe namin kaya lahat kami ay nakatulog.


Nagising nalang ako dahil sa ingay nila. Pagkalabas namin sa van. Namangha ako dahil inasikaso agad yung mga bitbit naming mga gamit at itinuro kung saan kami tutuloy ng limang araw.


"This place is relaxing." Rinig kong sabi ni Lexus.


"So peaceful." Sabi ni Carlo.


"Nakakaantok." Napalingon kaming lahat kay Jenny nakakagising lang din pero inaantok pa rin.


"Ano? Masamang antukin?" Takang tanong niya sa amin. Napailing naman ako.


"Gutom na ako." Sabi ko sa kanila.


"Ako rin." Sabi naman ni Candice.


"Let's eat then before anything else." Vince said and we agreed.


Naglakad kami at naghanao ng makakainan. Nakita naman namin na. May malaking restauran at mukhang mamahalin. Maganda at walang katao-tao. Iilan lang ang nasa loob.


Nag order muna kami at naghintay ng ilang minuto


"Maganda siguro mag night swimming, hindi rin din matao. Masaya." Sabi ni Lin.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon