ARIEL'S POV
Sawakas tapos na ang exams ko nitong week kaya ito kami ni Rey nagdi-date.
"Ariel, gusto mo kumain doon?" Tanong sa akin ni Rey at itinuro yung nagbebenta ng mga fish ball. Napangiti ako at masayang tumango sa kaniya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila papalapit doon.
Bumili siya ng marami at pinagsaluhan namin. Nakaupo kami sa isang bench na malapit sa school namin. Tuwang-tuwa kami kasi hindi kami nag-aapurang kumain dahil sa school works o exams dahil nga tapos na.
"Ang kalat mo talagang kumain, may sauce pa sa gilid ng labi mo." Sabi sa akin ni Rey at pinunasan niya yun gamit ang hinlalaki niya. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil dinilaan pa niya yun.
"Siraulo ka talaga! Bakit mo inano?!" Gulat na gulat kong sabi. Hindi ko pa nga masabi kung ano yun dahil sa gulat ko. First time niya kasing ginawa yun, kaya gulat na gulat ako.
"Ano naman?" Parang wala lang na tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero parang bigla akong naka feel na hiya o kung ano man.
"Oh bakit ka namumula? Wala namang masama sa ginawa ko ah." Dagdag pa niya. Kaya hinampas ko yung likod niya kaya napaubo tuloy siya.
Nataranta naman ako kaya agad ko siyang inabutan ng tubig, ininom naman niya yun at nagpasalamat.
"Inaano kita?" Takang tanong niya sa akin.
"Wag mo ng uulitin yun." Sabi ko nalang sa kaniya.
"Bakit naman?"
"Kasi naman may laway ko na yun tapos igaganun mo." Halos pabulong ko ng sabi. Narinig ko naman siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag sa akin.
"Ano naman kung may laway mo na? Tsaka ilang beses na tayong naghalikan tapos ngayon ka pa mahihiya o mandidiri?" Natatawang sabi niya.
"Basta wag mo ng uulit yun! Baka mamaya kung ano isipin ng mga makakakita sa atin!" Kunwaring galit na sabi ko.
"Gagawin ko kung anong gusto ko." Yan lang ang sabi niya sa akin. Baliw na siya.
Pagkatapos naming kumain, nagpahinga kami saglit at pumunta ng park. Gusto lang naming mamasyal at makapagrelax. Masaya kasi may playground, nakikita namin yung mga batang naglalaro tapos presko din.
"Ang cute nilang tignan 'no?" Tanong niya sa akin habang nakatingin din sa mga batang naglalaro sa slide at mga naghahabulan.
"Yun nga eh. Ang cute cute nilang tignan, nakakatuwa sila." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Mahilig ka ba sa bata?" Tanong niya sa akin. Napaisip naman ako sa tanonv niya sa akin. Hmm . . .
"Hindi ako malapit sa mga bata, hindi sa ayaw ko sa kanila pero hindi lang talaga ako mahilig sa bata. Ikaw ba?" Sabi ko.
"Mahilig ako sa mga bata, nakakatuwa kasi sila. Ang cute nila." Nakangiting sagot naman ni Rey sa akin.
"Kung ikaw tatanungin, ilan ang gusto mong anak?" Random na tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin ng napakatamis kaya nahawa ako, napangiti din ako ng napakatamis sa kaniya at hinihintay siya na sumagot.
"Ikaw, kung ilan ang kaya mong ibigay sa akin." Sinserong sagot niya. Hindi oo inaasahan yung sagot niya, ine-expect ko na magbibigay siya ng number like 2 or 3 ganun.
"Paano pala kung ayaw ko magkaanak?" Paghahamon ko sa kaniya.
"Ayaw mo talaga?" Tanong pa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...