MICA'S POV
-KINABUKASAN-
-School-
Nandito ako ngayon sa library. Naghahanap ng libro sa Science, kasi nawala yung science book ko kaya hindi ko magawa assignment ko sa science. Kaya makikihiram muna ako dito sa library.
Wala naman ginagawa sa room eh. Kasi busy na sila sa pag papractice para sa contest na sasalihan nila.
"Tss. Ano bayan bakit hindi ko makita? Hmm... science II... science I.... aish. Bakit hindi naka arrange itong mga libro." Sabi ko sa sarili ko.
Tinignan ko narin sa ibang area. Tingin sa kabilang shielf, sa sunod na shielf, hay wala.
Tinignan ko naman sa taas.
Science.... III... Science... IV..!!! yes! Sa wakas! Nahanap rin kita!
Kukunin ko sana kaya lang, tsk!
Hindi ko abot! (>_<。)
Lumundag lundag na ako para maabot.
Pero iba ang na abot ko at hindi ko na hawakan ng mabuti kaya nalaglag at tumama ito sa ulo ko.
"Aish! talaga namang.... Urggh. Ang sakit..." bulong ko.
Alangan naman na sumigaw ako sa sakit, edi papagalitan ako at paalisin dito sa librarian. -__-
Lulundag na ulit sana ako ng biglang meron akong nakitang kamay na nakahawak sa libro.
At kinuha na ito. No!~
Nilingon ko sa likuran ko kung sino ang kumuha ng libro na gusto kong kunin pero naunahan pa ako dahil mas matangkad siya.
At nakita ko ay si Vincent at binuklat niya ang libro. At isinara niya ulit ang libro. Aish! Nananadya ba ito?!
Umalis na siya pagkatapos niyang kunin ang libro.
"Hoy! Ikaw! Ako ang unang nakakita nang librong yan!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi siya sigaw.
"Psh. Ikaw nga ang unang nakakita, pero ako naman ang unang nakakuha. Tss." Cold niyang sabi.
"Please keep quiet. This is not the right place for you to argument. Sa labas nalang kayo." Saway sa amin ng librarian.
Hindi niya nalang pinansin ang sinabi ng librarian.
Lumapit na siya sa librarian.
"Miss, I can I borrow this Science IV book? I'll return it... I think on monday." Sabi niya sa librarian.
Aish!
"Ok, Please write your name, and year & section here." Sabi naman ng Librarian.
"Thanks." Pacool niyang sabi.
Nakakainis! Paano ko magagawa mga assignment ko sa science?! Tss.
Napaka demonyito talaga ng lalaking yun!
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Fiksi Remaja[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...