Chapter 87: Journey

81 4 0
                                    

MICA'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng private room kung saan si Jenny. Dalawang araw na ang nakalipan nang operahan siya. Katabi ko si Prince pero wala kaming imikan. Nakatingin lang ako kila Jenny at Lance na kumakain at nagsusubuan.


"Aren't you going to rest?" Rinig kong tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang kila Jenny.


"You should rest. You see, Lance can take care of Jenny." Sabi pa niya. Hindi ko pa rin siya inimikan. Binuksan ko nalang phone ko para tignan kung may text ba si mama sa akin.


Wala pa naman. Siguro dahil pinagbibigyan niya ako na makasama pa si Jenny. Gusto ko rin na hindi pa umalis dahil 'di magtatagal aalis na si Candice pabalik ng Canada. This time maghihiwalay-hiwalay na talaga kami.


Si Candice . . . Hindi na makakabalik dito. Iyon ang pinakamalungkot na balitang natanggap namin sa kaniya. Hindi pa namin nasasabi kay Jenny dahil baka umiyak lang siya ng umiyak. Hindi pa siya pwedeng mapagod o ma stress dahil ka oopera pa lang sa kaniya.


Kaya ang balak namin ay dito lang sa ospital na sama-sama. Dito na rin kami natutulog. May malapit na boarding house dito sa tapat ng hospital kaya halos dito na kami magdamag. Si Lance, dito na talaga siya natutulog kasama si Jenny. Ayaw niya talagang iwan. Kung pwede nga lang pati sa pag cr isama niya na ito. Baliw lang.


"Bakit ang tahimik niyo dyan?" Takang tanong ni Jenny sa amin. Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti para hindi ipahalata na may gap sa pagitan namin ni Vince. Hindi pa niya alam. I mean hindi pa nila alam na wala na kami. Hindi din naman sila nagtatanong, siguro nakikiramdam sila at hinihintay ako na magkwento.


Pero sa tingin ko ay hindi ko pa kayang ikwento pa sa kanila. Siguro kapag naka move on na ako, tsaka na.


Tinignan ako ni Lance. Alam ko na alam niya ang tungkol sa amin kaya wala siyang masabi.


"Oo nga pala, mamaya nandito na sila Ariel. May binili lang na mga pagkain para sa movie marathon natin mamaya." Pag-iwas ko sa tanong niya.


"Ginawa niyo na itong hotel last time dahil dito kayo natulog tapos ngayon sinehan? Hindi kaya pagalitan na tayo niyan?" Sabi niya.


"Ayaw mo ba? Gusto kasi namin na maaliw ka. Alam ko naman na bored na bored ka na dito. Tapos upo, higa, kain lang nagagawa mo." Sabi ko.


"Pero baka sitahin na tayo." Nakabusangot na sabi niya.


"Si Lance na daw bahala doon." Pabirong sabi ko. Kahit wala naman talagang sinabi si Lance.


"Ay siraulo, wala akong sinasabi. Pero sige, ako na bahala." Sabi naman nito kaya napatawa ako.


"Kayo din ba Vincent kasama namin dito mamaya?" Tanong ni Jenny sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na hindi kaso naunahan niya na ako.


"Gustuhin ko man pero baka hindi naman importante na nandito ako." May lungkot na saad niya pero 'di ako nagpadala sa drama niya. Basta ayaw ko siyang makasama. Kung pwede nga lang ay wag na siyang pumunta pa dito. Nasasaktan at naiinis ako kapag nakikita at naririnig ko siya.


"Ano ka ba, nandito si Mica, malamang importante na nandito ka. Kung kasama sila Carlo mamaya edi dapat kasama ka." Sabi pa nito.


"Is it okay to you?" Alam kong ako yung tinatanong niya. Pero hindi ko siya nilingon at nagkunwaring walang narinig.


"M-May problema ba kayo?" Kinakabahan na tanong sa amin ni Jenny. Kaya bigla din akong kinabahan dahil ayaw ko na malaman niya na wala na kami. Mai-stress lang siya kakaisip.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon