Readers itatanong ko sana kung gusto niyong magkaroon ng book 2 itong WPGMRB. Comment niyo or pm niyo ako kung ano masasabi niyo.
Kung pipiliin niyo na magkaroon nalang ng book 2, isang chapter nalang ang ia-update ko bago ang epilogue.
Kung ayaw niyo na magkaroon ng book 2, edi susubukan kong mapangkasya sa 100 chapters itong story na ito.
Ano sa tingin niyo?
Ano masasabi niyo? Comment or pm niyo ako kung ano suggest niyo.
Susubukan kong mag-update ng mabilis para sa inyo. Pero sana pagpasensyahan niyo na ako ha kung mabagal ako mag-update.
Wala po kami wifi, at kahit pangload ay wala ako dahil isa lang akong estudyanteng walang trabaho at walang pera. Sana maintindihan niyo ako.
Tiis tiis lang ng konti mga readers at hintay hintay lang.
Maraming salamat sa mga sumosoporta sa story ko na When Poor Girls Meet Rich Boys at sa I care, but he doesn't care.
Sa mga nagko-comment at nagvo-vote sa stories ko maraming salamat. 😊😘😚 Napasaya niyo ako ng sobra!
Yun lamang po! Maraming salamat! 😀😍😊😘
●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●
MICA'S POV
Ilang months nalang graduation na. Hindi ko na namalayan na tapos na ang December. Ilang months narin kami ni Vincent. Ang masasabi ko lang ay napakasweet niya, habang tumatagal lalo siyang nagiging sweet.
Yung mga kaibigan ko? Ayun ganun parin ang nagbago lang ay sila Rey at Ariel, nagliligawan na yung dalawa! 😂
Nalaman namin yung side ni Rey noong nag-iiwasan sila noon ni Ariel. Nakakatuwa dahil nagkaayos na sila. Nagulat nalang kami nagkukulitan na ulit sila kinabukasan.
Sila Lance at Jenny? Hmmm... ganun parin ayaw magpaligaw ni Jenny kay Lance at hanggang ngayon hindi parin namin alam kung ano ang dahilan.
Pero hangga ako kay Lance dahil hindi siya sumusuko at ang masasabi ko sa kaniya ay sobra niyang sweet. Sobra! Napaka-understanding niyang tao. Hindi niya sinusukuan si Jenny. Pero si Jenny? Wow! Ang galing niya din magtago ng feelings! 😂
Sobrang galing! Kaya niyang tiisin si Lance, at kaya niyang itago yung feelings niya kay lance. Well hindi sa amin makakatakas yang pagtatago niya ng feelings kay Lance. Paano namin nalaman? Simple lang sa mga mata niya at sa bawat expression niya. Alam na alam namin kung kailan kinikilig siya o hindi.
Si Carlo at Charline naman magbest friend na. Oo, magbest friend lang DAW sila. Pero hindi kami naniniwala. Ayaw lang talaga nila aminin na may feelings na sila sa isa't isa. Alam niyo naman yang si Charline, malihim sa mga ganyang usapan.
Minsan nga hindi na namin mapaghiwalay yang dalawang yan, sa mga kalokohan? Naku! Nangunguna yang dalawang yan.
Sila Lexus at Candice naman ayun may tampuhan sila. Alam mo naman si Candice ayaw niya ng surprise. Maniwala kayo o hindi yun talaga ang dahilan kung bakit sila nagkatampuhan ngayon.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...