Chapter 73: Part Time Job Vs. School Finals

219 14 8
                                    

MICA'S POV

Nandito kami ngayon sa Garden, sa likod ng school. Nakaupo kaming lima sa damuhan at nag-iisip.


"Dagdag pa siya sa problema natin. Talagang hinahamon tayo." Sabi ni Lin. 


"Yun ba ang babae niya? Hindi hamak na mas maganda pa si Lin kesa sa kaniya." Sabi naman ni Ariel.


"Eh paano na yan? Paano kung natalo tayo? Knowing them. Sikat sila sa ibang bansa, anytime pwede tayong matanggal sa Resto ni Steven." Nag-aalalang sambit ni Candice.


Kung matatalo kami, hindi narin kami makakapag banda sa Stephen dahil sa kaniya. Dahil sa hamon niya sa amin.


"Kung mangyari man yun. Siguro naman meron pa tayong ibang mapupuntahan maliban sa Resto ng magkambal." Sagot ko naman. Nakakalungkot mang-isipin na magsisimula ulit kami at maghahanap ng ibang pagkakakitaan.


Napatingin ako kay Jenny na kanina pa malalim ang iniisip.


"Paano kung hayaan nalang natin na sila na ang papalit sa atin? Mas mahalaga ang finals natin." Sabi ni Ariel. Napaisip ulit ako. Kung susuko nalang kami ng hindi sinusubukan, mahihirapan naman kami sa paghahanap ng ibang pagkakakitaan.


Lalo na ngayon na in coming college students kami. Pero kung bumagsak naman kami sa finals, hindi naman kami makakapag-college.


Napabuntong hininga naman ako. Ilang segundo din na walang umiimik sa amin. Buntong hininga nalang ang lumalabas sa bibig namin.


Wala na bang mas lalala dito? Baka meron pa kayong idadagdag? Sabihin niyo lang.


"Guys." Napatingin kami kay Jenny na biglang nagsalita.


"Alam kong nahihirapan tayong lahat ngayon. Pero paki-usap ko sa inyo, wag kayong susuko. Please. Subukan natin, subukan nating manalo sa hamon nila. Kasi..." Napatigil siya sa pagsasalita. Hinihintay namin na ituloy niya ang sinasabi niya.


"Pera... kinakailangan ko ng pera para sa susunod kong mga hakbang. Alam kong kailangan niyo din. Pero kasi... next school year. Bubukod na ako." Bumuntong hininga siya. Nagtinginan kaming apat na para bang nalilito.


"Bubukod, Sa pamilya mo? Bakit? Meron na naman bang ginawang hindi maganda yung mama mo?" Tanong ko sa kaniya. Nag-aalala ako.


"Meron akong ate. Nalaman ko lang nung nakaraang buwan."


Nagulat naman kami sa sinabi niya. Ate? Kailan pa siya nagka ate? Kaya ba atat na atat siyang maki-sleepover? Ito ba yung gusto niyang sabihin sa amin? Pero bakit gusto niyang bumukod?


"Hindi nga ako ampon, pero mas masakit ang malaman ko kinamumuhian ako ni mom dahil sa kaniya. Para bang sinisisi niya ako kung bakit nahiwalay ate ko sa kanila. Kung alam ko lang talaga ang lahat ng yun nagsakripisyo na ako. Kaso wala pa akong kaalam alam noon, bata lang ako." Lakas loob na sabi siya. Alam kong pinipigilan niya na wag umiyak.


Walang umimik sa amin pero lumapit kami sa kaniya para yakapin siya at haplusin likod niya.


"Sa totoo lang umalis ako sa bahay last week pa. Ang nakakahiya pa yung mommy at daddy ni Lan ang nagpatuloy sa akin sa bahay nila. Nahihiya ako na mag-stay pa doon kaya gustong-gusto ko ng maki-overnight sa bahay niyo." Nagulat kami sa sinabi niya.


Kaya ba lagi namin silang nahuhuling magkasama at maagang pumapasok?


"Totoo?! Anong sabi ng parents ni Lance? Anong reaksyon ni Lance?!" Excited na tanong ni Ariel.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon