MICA'S POV
-LUNCH-
Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain.
"Girls, ang weird ng kinikilos ni Jenny ngayon. Ano kayang nangyari sa kaniya? Bakit hindi niya sa atin sabihin problema niya?" Sunod sunod na tanong ni Candice.
"She need space." Maikli kong sagot.
Wow! Umi-english ako ah. Haha.
"Need space?" Takang tanong ni Charline.
"Yeah. Kailangan niya lang naman ng space, para makapag isip isip." Saad ko.
"Paano mo nalaman? Manghuhula ka?" Nakakalokong tanong sa akin ni Ariel. Inirapan ko nalang siya.
"Pero guys, ano sa tingin niyo ang problema niya?" Tanong ni Ariel.
"Baka naman gusto niyang sumama sa contest pero hindi na naman siya pinayagang sumama?" Wika ni Candice
"O baka naman senermonan siya ng mama niya?" Tanong rin ni Charline.
"O baka naman, pinalayas na siya sa bahay nila?" Singit na tanong ni Ariel.
*boink!*
"Bakit mo ako binatukan?!" Bulyaw ni Ariel kay Charline.
"Anong pinalayas, ang pinagsasabi mo, ha?! G*ng g*ng ka talaga." Daing ni Charline sa kaniya.
"Tinatanong ko lang naman ah." Depensa ni Ariel.
"O baka naman private, family problem?" Sabi naman ni Candice.
"Siguro, hindi ko rin alam. Pero pwede naman niyang sabihin sa atin eh kung anong problema." Saad ko.
"Bigyan lang natin siya ng space, pag medyo okay na siya siguradong lalapit yun sa atin at sasabihin kung ano ang problema." Dagdag ko pa.
"Oo nga, tsaka ikaw ariel, nainis mo ata kanina si Jenny yung tungkol sa Contest na yan." Sambit ni Charline.
"Akala ko kasi gusto niyang sumali, nagpapakipot lang. Aba! Malay ko ba!" Depensa niya sa sarili niya.
"Hayaan na natin yun." Sabi ko. At pinagpatuloy na namin ang pag kain namin.
Maya maya pa ay tumunog na ang bell, kaya agad na kaming pumunta sa room.
-ROOM-
Pagpasok namin ng room tamang tama kararating lang ni teacher, agad kaming pumunta sa kaniya kaniya namin upuan.
"Good afternoon Class, gaya nga ng sabi ko, sa july na ang contest sana merong magprisinta na girls na magaling kumanta." Panimula ni teacher.
"Kasi sayang naman, si mr. Lee at mr. Park ay walang kaduet." Dagdag pa nito.
Edi wag nalang silang sumali, meron naman ng sasama sa sing compitition eh si Charline at Santos.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Novela Juvenil[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...