LANCE'S POV
Ano bang nangyayari dito? Bakit nag walk out si Prince? Tsaka ano? Inamin niya na may pakealam siya at nangengealam siya sa buhay ni Mica?
"Sundan ko lang si Prince ah." Paalam ni Mark. Tumango naman kami.
"Samahan na kita sa clinic." Napalingon naman kami kay mica.
Anong meron sa Paul na ito at nasuntok siya ni Prince? Imposibleng walang dahilan. Kilala ko si Prince. Hindi siya manununtok sa isang walang kabuluhan.
Wala kaming nagawa kundi sundan lang ng tingin sila mica at paul, papunta atang clinic.
"Alam mo Jennifer ngayon lang nagkaganun si Prince." Out of the blue kong sabi.
"Huh? Ang alin?" Nalilito niyang tanong.
"Yung mga sinabi ni Prince kanina... ngayon ko lang narinig sa kaniya, at tsaka parang inaamin pa niya na para bang nangengealam talaga siya sa buhay ni Mica." Paliwanag ko sa kaniya.
"Hindi kasi siya yung tipong umaamin agad. Ngayon lang din siya hindi sumabat. Kung alam mo lang siya yung tipo ng tao na di nagpapatalo." Singit ni Carlo.
"Ayaw ko yang Paul na yan para kay Mica." Saad ni Lexus.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Ariel.
"Mukhang may ginawang mali si Paul kaya nasuntok siya ni Prince." Sagot ni Lexus.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Charline.
"Basta." Sabi ni Lexus.
"Ikaw po ba si Mr. Park?" Biglang may sumingit at tinanong ako.
"Oo, bakit?"
"Pinapatawag po kayo ng adviser niyo. Isama mo daw po yung secretary. Punta daw po kayo sa laboratory." Sabi ng lalaki. Tinanguan ko naman siya.
"Tara na Jennifer, may ipapagawa ulit ata si teacher sa atin." Sabi ko kay Jennifer.
"Na naman? Hayst. Baka magabihan ako niyan." Nanlulumong sabi niya.
"Wag ka ngang mag-emote dyan. Dalian nalang natin para matapos na agad." Sabi ko at hinila na siya sa wrist niya.
"Nakakatamad maglakad alam mo yun?" Walang gana niyang sabi.
Tumigil ako sa paglalakad at sa paghila sa kaniya. Nilingon ko siya.
"Gusto mo buhatin kita?" Sincere kong alok.
"Ah? Hindi, okay lang ako. Hindi na ako tinatamad. Tara na." Mabilis niyang sagot. Tinanggal niya pagkakahawak ko sa wrist niya.
Nauna na siyang naglakad kaya sinabayan ko siya sa paglakad. Napangiti naman ako sa inasta niya.
"Ano na naman ba kasi ipapagawa niya?" Walang kabuhay-buhay na sabi niya.
Napatawa naman ako ng mahina. Ang cute kasi niya.
Nakarating na kami sa lab.
"Nandyan na pala kayo Mr. Park at Ms. Bella." Bungad sa amin ng adviser namin. Binati namin siya ni Jenny.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...