CANDICE' POV
Uwian na namin. Nagpasama ako kay charline na pumunta ng locker room.
Ilinagay ko na ang iba kong libro para hindi mabigay ang bag ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni charline.
Napakunot naman noo ko sa tanong niya.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Kunot noo kong sabi sa kaniya.
"Wala lang, diba kanina minanyak ka ng kaklase natin." Saad niya.
"Tss. Hayaan mo na alam kong sa ginawa niya sa akin, lalo na kay nicole mapapatalsik na siya dito sa school." Sagot ko.
"Eh paano kung hindi?" Tanong na naman niya.
"Edi hindi. Pake ko ba sa kaniya? Tss." Inis na sabi ko.
"Tara na nga." Yaya niya.
***
Tss. Magdidilim na pero wala pa si Mica, kinakabahan na tuloy ako.
"Ariel! Diba kasama mo si Mica kanina?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko siya kasama kanina." Depensa niya.
"Baka nauna nang umuwi?" Singit ni charline.
"Eh?! Sinabi ko pa nga sa kaniya hintayin niya ako sa room kasi may inutos lang yung president natin eh." Sambit ni Jennifer.
"Eh paano yan?" Sabi ni ariel.
"Libutin nga natin buong school. Jennifer at ariel kayo ang magkasama kami naman ni charline, sa taas kayo kami dito sa baba." Sabi ko.
"Eh?! Daya naman! Ang dilim kaya sa taas!" Protesta ni Ariel.
"Arte mo. Sige kami na sa taas. Dalian na natin papagalitan na tayo nito eh." Sabi ni jennifer kaya nagsimula na kaming maghanap kay Mica.
"Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo candice para mapadali ang paghahanap natin." Sabi ni charline. Tumango naman ako.
Madilim dito, tss. Halos wala akong makita may konti pa namang liwanag eh.
Binuksan ko lahat ng room pa isa isa.
Pero hindi ko nahanap si mica.
Bigla meron akong naalala.
'Malalagot kayo sa akin.'
'Malalagot kayo sa akin.'
'Malalagot kayo sa akin.'
Paulit ulit yan sa isip ko.
Wag naman sana. Pag merong nangyari kay mica na masama, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Aish!
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Fiksi Remaja[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...