Chapter 2: Missed

1.5K 39 0
                                    

MICA ANGELA'S POV

Tapos na ang lunch kaya pumunta na kami sa room. Saan kaya pumunta yung Jennifer na yun? Hindi pa siya kumakain ah.



-ROOM-

"Girls girls dumating na sila, tignan niyo. Hindi manlang sila nahiya si ginawa nila."


"Yeah right. Pero wait hindi nila kasama yung isa nilang kaibigang si Jennifer. Pero grabe kung ano anong sinasabi nila kanila Lance."


"Oo nga. tapos lakas ng loob nilang magpakita pa dito."


"Tss. Akala mo mabait pero hindi naman." (Ano konek?)


"Tss. Bibigyan natin sila ng leksyon."





Rinig kong usap-usapan nila kami. Actually bulungan yun eh, pero rinig parin namin.


"Tss. Kung pag uusapan niyo kami, sana yung hindi namin maririnig. Magbubulungan na nga lang kayo, ipaparinig niyo pa sa amin." Masungit na sabi ni Candice at umupo na sa upuan niya.


Well nandito narin ung 5 lalaki. sila vincent at mga kaibigan niya.


"Kaya nga. Kung kakalabanin niyo kami, wag yung nakatalikod kami. Wag puro salita. Dapat may pisikalan. Psh." Dagdag pa ni Ariel.


"Umayos kayo, kasi hindi niyo alam kung paano kami magalit. Punuin niyo kami, makikita niyo talaga totoo naming ugali. Ano? Magsalita kayo. Ngayon nandito na kami, sabihin niyo sa amin ng harap-harapan kung ano man ang mga pinagsasabi niyo diyan." Mataray sabi ni charline.


"Kung ako sa inyo. Tatahimik nalang ako." Pananakot ko.


Umupo na ako sa upuan ko.Biglang namang dumating si Jennifer. Naka earphone at naka pokerface lang.


Uupo na sana siya sa upuan niya, nang biglang may humila sa upuan niya kaya kaya napaupo siya sa sahig.


Nagtawanan mga kaklase ko.



"Hahahahahahaha!"


"Buti nga sa kaniya. Hahahahaha!"


"Kaya nga, bagay lang sa kaniya yan. Pagkatapos niyang pagsabihan ng kung ano ano sila Lance. Kapal ng mukha niya, hindi na lang mahiya."


Sabi ko nga sa inyo nakakatakot si Jenny kapag nagalit. Siya yung pinaka nakakatakot kung magalit. Bahala na kayo dyan kung magalit man siya at Hindi maawat walang sisihan.


Tumayo si Jenny at hinagis niya bag niya sa upuan niya at tinanggal earphone sa tainga niya. Kaya natahimik sila. Kasi nakakatakot inasta niya. Ngayon palang siya umastang ganyan.


Nagtinginan kami nila Ariel, alam ko namang tuwang-tuwa sila Candice at Charline sa nakikita nila. Pero si Ariel kasi ayaw niya. Mas okay sa kaniya na siya yung pisikalan na makipaglaban, wag lang si Jenny.


Madalang lang kasi talaga siya makipag-away. Sobrang dalang, hanggang salita lang kasi talaga siya.


"Jenny kalma lang. Hayaan mo sila." Awat ni Ariel. Kaya umupo nalang si Jenny at sinaksak niya ulit sa tainga niya ang earphone niya. Wait. Baka nagtataka kayo ha, hiniram lang ni Jenny kay Candice yang phone na gamit niya. Wala kasi siyang phone eh. Kaya nakikigamit lang siya.


Mabuti nalang napigilan siya ni Ariel. Mabuti nalang talaga. Kundi malaking gulo. Nakakatakot talaga yang si Jenny pag nagalit as in grabe.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon