CANDICE'S POV
Magfa-five am palang dito ng umaga pero kahit hindi pa ako nakakapag bihis ng maayos, walang suklay-suklay, naka pantulog lang at wala pang bra na suot sa loob pero hindi ko yun pinansin at nagmadaling lumabas ng condo ng kaibigan ko.
Paglabas ko, nagsuot lang ako ng tsinelas at hiniram yung kotse ng kaibigan ko na pinapagamit niya sa akin pansamantala.
Nagdrive agad ako papuntang condo ni mama. Twenty minutes nakarating na ako sa labas ng condominium na tinitirhan ni mama. Lumuob agad ako at sumakay sa elevator.
Habang naka sakay sa elevator tinext ko yung kaibigan ko na gamit ko yung kotse niya dahil may emergency.
Pagbukas ng elevator, kinuha ko agad ang susi at binuksan ang pinto. Tumakbo ako papunta sa pintuan kung saan ang kwarto ng mama ko. Kumatok ako ng ilang beses.
Binuksan naman yun ni mama at nagulat siya nang makita ako. Napatingin siya sa orasan at tinignan ako.
"Ma, I really need to go back in the Philippines." Mahinahong sabi ko.
"What? Do you know what time is it? Ang aga aga, anong nangyayari sayo?" Takang tanong niya sa akin.
"Ma please pagbigyan niyo na ako." Naiiyak na sabi ko.
"No, napag-usapan na natin ito noon 'di ba? Na hindi ka makaka uwi ng Pilipinas hangga't hindi ka pa nakakapasa sa board exam. Nagrereview ka palang 'di ba?"
"Emergency ito ma, kailangan ako ng kaibigan ko, kausap ko sila kanina tapos yung is akong kaibigan biglang inatake ng hika niya. Gusto ko ng umuwi."
"Emergency? Baka naman dahil gusto mo ng makita yung Lexus na yun? Iniwan kana niya 'di ba? Ano ipagpipilitan mo sarili mo sa kaniya?" Inis na sabi ng mama ko sa akin.
"Ma naman! Nagsasabi ako ng totoo! Nasa hospital yung kaibigan ko ngayon." Umiiyak na sabi ko.
"Please stop making excuses, alam ko na gustong-gusto mo ng umiwi ng Pilipinas pero hindi ba pwedeng patapusin mo muna ang board exam mo? Sana intindihin mo din ako. Kung nasa hospital man ang kaibigan mo, ano naman ngayon? Anong maitutulong mo?" Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya sa akin.
"Paano kung umuwi ka tapos yun pala okay na siya, edi sayang yung pera? Wag kang magpadalos-dalos. Mag-isip ka muna, makibalita ka muna. Hindi madali ang pagpunta sa Pilipinas at pagbalik dito." Dagdag pa niya. Kaya napaiyak ako.
Nagpapadalos-dalos ba ako? Masyado ba akong nabigla sa nangyari? Pero kasi kinakabahan ako at pakiramdam ko kailangan ko na talagang umuwi ng Pilipinas.
Oo alam kong hindi ko pa alam yung kalagayan ni Jenny pero hindi ba pwedeng umuwi ako para sa kaniya? Kasi nung nakita ko siya kanina sobra akong kinabahan. Hindi ko kaya na hindi siya makita ngayon.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan Candice, yung pag-alis mo dito tapos sulat lang ang maaabutan ko? Sobrang sakit yun para sa akin, nagpaalam ka gamit sulat? Pagbalik sa akin ng mga ATM at credit card, parang sinabi mo rin sa akin na hindi mo ako kailangan. Tapos ngayon pupunta ka dito tapos yan yung sasabihin mo? Na gusto mo ng umuwi sa Pilipinas?" Punong-puno ng hinanakit ang boses niya.
Pride ko din naman yun eh. Kasi feeling ko binibili mo ako para ma-control lang. Nasasakal na din naman ako. Kailangan ko din namang huminga ng maayos yun bang walang nakatali sa leeg ko.
Para malaman niya din naman na inis ako at may tampo ako sa kaniya pero ang manhid niya. Ganun pa rin siya at walang pinagbago. Yun ang kinakainisan ko ang insensitive niya. Hindi niya alam na ganito ang nararamdaman ko, oo hindi ko sinasabi dahil ayaw ko na may masabi akong ikakagalit niya. Pero hindi ba siya nakaka basa ng kilos? Expression?
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Ficção Adolescente[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...