Chapter 89: Long time no see

82 5 0
                                    


MICA'S POV

We are here in Ariel's apartment. The whole place become noisy because of their voices. Napailing nalang ako habang tinitignan sila na paikot-ikot sa kwarto.


"Pa VIP naman si Lexus, bakit ba tayo pinapapunta sa airport? Para sunduin lang siya? Ang kapal naman!" Reklamo ni Charline. Napatawa naman ako.


"Iinggitin lang tayo nun, galing yun sa Canada 'di ba? Malamang nagkita sila ni Candice." Sabi naman ni Ariel na abala sa pagbibihis.


"Bilisan niyo nalang dyan para makaalis na tayo dami niyong dada." Singit ko.


"Pagtalaga pinagtripan na naman tayo ng lalaking yun, masasapak ko talaga yun." Iritadong sabi ni Jenny. Sana nga hindi.


Nagtataka siguro kayo kung bakit kami magkakasama ngayon. Panglimang araw na nila dito sa Manila, nagbakasyon lang sila kaya nasa iisang kwarto lang sila. Ako kasi may condo na binili sa akin si mama kaya doon ako tumutuloy.


Sinabihan ko nga sila na open at welcome sila na magstay doon sa hotel ko.


Ang kaso ayaw nila dahil nga nandito din yung boyfriend nila, sila Rey, Carlo at Lance. Magkatabi lang kwarto nila pero ang mga lalaki ay tig-iisa sila, may mga pera eh.


"May kumakatok ata, nandyan na ata sila Rey." Sabi ni Ariel.


"Sige na bilisan niyo na dyan, ako na ang magbubukas ng pinto." Prisenta ko at tumayo na para buksan ang pinto. Tama nga si Ariel, sila Rey nandito na.


"Pasok kayo." Sabi ko. Pagkatapos nilang pumasok isinarado ko na agad ang pinto.


"Sinabi ba sa inyo ni Lexus kung bakit niya tayo pinapapunta sa airport?" Tanong ni Jenny sa kanila. Nakita ko naman na lumapit sa kaniya si Lance at hinalikan sa pisngi bago siya sagutin.


"Wala naman, baka may dalang pasalubong."


"Oo nga 'no?" Sabi ni Lin.


"Siguro galing kay Candice." Sabi ni Ariel. Tumango-tango naman ako sa kaniya, oo baka yun nga ang dahilan.


"Kung ganun, bilisan na natin. Na-excite ako bigla. Pasalubong eh." Sabi ni Jenny. Napatawa naman sila Lance sa kaniya.


"Wag masyadong umasa." Sabi ni Carlo.


"Magpalit ka ng damit Ariel." Rinig kong sabi ni Rey sa kaniya.


"Bakit naman? Ang ganda kaya ng damit ko." Nakangusong sabi ni Ariel sa kaniya.


"I know and I love it but please not now, that's revealing. Ikaw lang yung nakaganyan, tignan mo sila Mica. Magpalit ka kahit damit pang-itaas lang." Buntong hininga ni Rey sa kaniya.


Hindi naman talaga ganun ka revealing ang damit ni Ariel. Naka crop top siya tapos three-forth pants. While me and the other girls are wearing jeans and plain shirt.


"Sige na nga---" Napasinghap kaming lahat dahil akmang magtatanggal ng damit mabuti nalang napigilan siya ni Rey.


"Ariel! What are you doing?! May mga lalaki tapos maghuhubad ka bigla." Gulat na sabi ni Rey.


"A-Ay oo nga pala, sorry nalimutan ko." Sabi nalang niya. Napailing ako.


"Sa cr ka nalang magpalit. Dalian mo, aalis na tayo." Sabi ko.


"Nga pala, nagmessage sa akin si Prince na hindi daw siya makakapunta. May photoshoot daw siya ngayon eh." Sabi ni Carlo. Inabala ko ang sarili ko sa phone. Naramdaman ko naman ang pagtingin nila sa akin, pero hindi ko sila pinansin. Nagkunwari nalang ako na may kachat.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon