Chapter 55: Paul

472 16 5
                                    

MICA'S POV

-KINABUKASAN-


Papunta palang ako sa room, nakita ko si Paul na nakasandal sa pader at mukhang may hinihintay. Wait may dala ulit siyang roses at chocolates. Hayst.


Tumalikod ako at maglalakad sana pero hindi ko alam na may tao pala sa likod ko kaya nabunggo ko siya at napaupo ako sa sahig.


"Aray." Mahina kong sambit. Napalingon naman ako kung sino yung nakabangga ko. Si Vincent pala.


Tinulungan niya naman akong tumayo. Pinagpag ko yung palda ko.


Tumingin siya sa akin at napalingon naman siya sa likod. I think si Paul ang tinitignan niya ngayon.


"Pinayagan mo siyang manligaw sayo tapos tatakbuhan mo siya? Tss. What did you called that?" Para siyang nanay ko na nagsesermon.


"Hindi ko siya pinayagang manligaw sa akin, okay?" Medyo iritado kong sagot.


"Then bakit yan nandito?" Masungit niyang tanong. Aba! Malay ko?! Ako ba siya?!


"Bakit hindi kaya siya ang tanungin mo? Duh!" Pagtataray ko sa kaniya. Nakakairita kasi siya eh.


Ano sa tingin niya? Natutuwa ako sa nakikita ko?


Lumakad na siya at nilagpasan ako, tinignan mo naman siya na naglalakad.







VINCENT'S POV

"Did Angela allows you to court her?" Malamig kong tanong sa kaniya.


"No, gusto---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.


"No? So why are you still here? Will you stop what you are doing?" Iritado kong sabi.


"Ayaw ko, gusto kong patunayan na gusto ko talaga siya." Sagot pa niya.


"Pero ang tanong gusto ba niya?" Malamig at sarcastic ko na tanong.


"Teka nga. Bakit mo ba ako pinipigilan? Kaano-ano ka ba niya?" Iritado niyang tanong.


Ngumisi ako sa kaniya. "It's none of your business. If I were you, I will stop courting her if you don't like to face death."


Pumasok na ako sa room. Why am I like this?


Why? Oh why?


Why do I feel like killing someone? I want to kill that Paul. I swear.







CHARLINE'S POV


"Tigilan mo ako Carlo kung ayaw mong masuntok." Banta ko sa kaniya. Kasi naman kanina pa niya ako kinakalabit. Nakakairita kaya!


"Sinusungitan mo ba ako?" Taas kilay niyang tanong.


"Hindi ako nagsusungit. Sige ituloy mo lang ginagawa mo sa akin, kasi TUWANG-TUWA AKO. Hindi ako NAIIRITA." Sarcastic kong sabi.


"Hug mo nalang ako para ok na." Nakangiti niyang sabi. Nag-automatic na napataas ang isa akong kilay.


"Promise hindi na kita kakalabitin." Dagdag pa niya.


Wala akong tiwala dito. Imposibleng hindi niya ako tigilan. Nakakairita talaga siya.


"Kailan mo ba sasabihin sa akin yung tungkol kay Mica?"medyo malakas kong sabi sa kaniya.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon