MICA'S POV
Nandito kami nila charline sa library. Wala kasing ginagawa sa room eh.
Napaka ingay doon kaya dito nalang kami nila charline sa library.
"Uy. Hindi mo sinabi sa amin kung bakit ka absent." Mahinang sabi ni ariel sa akin.
"Kasi nga nagkasakit ako, kaya ako absent." Palusot ko.
"Anong sakit mo?" Tanong naman ni jennifer.
Pati ba naman yun tatanungin. Psh.
"Lagnat. Psh. Tanong kayo ng tanong." Iritadong sambit ko.
"Lagnat ba talaga o lovenat?" Pang aasar naman sa akin ni charline.
Napairap naman ako.
"Kakasabi ko lang diba?"
"Ito naman, binibiro lang kita." Sabi naman niya.
"Ano na? Sinong mag sosolo mamaya?" Tanong ni jennifer.
"Oo nga." Sabi naman ni ariel.
"Ikaw nalang mica. Kantahin mo yung may mataas na notes. Siguradong mas maraming manunuod sayo." Suggest naman ni jennifer.
"Tsk. Si charline nalang muna ang mag sosolo mamaya, o kaya naman ikaw jenny." Saad ko naman.
"Eh? Bakit? Ikaw nalang wala pa akong maisip na kakantahin eh." Sabi naman ni jenny.
"Basta ayaw ko, sasusunod nalang ako. Wala rin kasi akong maisip na kanta eh." Sabi ko.
Well totoo naman na wala pa akong naisip na kakantahin.
Pero ayaw ko talagang kumanta kasi nga sumasakit sugat ko. Tiniis ko nga lang kagabi na kumanta eh.
Imagine ilang songs ang kinanta namin kagabi, at sobrang sumakit ang sugat ko dahil may ibang pang notes na mataas ang kinanta namin. Tss.
"Ikaw nalang charline ang kumanta mamaya." Sabi naman ni candice.
"Paano yan wala rin akong maisip na kakantahin?" Nag aalalang sabi ni charline.
"Mag isip nalang tayo tapos practice tayo mamayang uwian sa music room I." Sabi naman ni ariel.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...