Chapter 72: He's Back

308 10 6
                                    


MICA'S POV


Ang aga naman nila Jenny at Lance. Nakaub-ob si Jenny, si Lance naman nakatingin sa phone niya habang nakangiti. Baliw ba siya? Inagahan na nga namin ni Vince, mas maaga pa pala sila. Tinignan ko naman kung anong oras na. 6:45 am palang. Mas maaga pa sila kesa kay Ariel ah.



"What's wrong?" Vince.



"Wala nagtaka lang ako sa dalawang yan." Nguso ko kila Jenny.



"Aga niyo Lance ah. Anong meron? Magkasabay kayo ni Jenny?" Tanong ko kay Lance at lumapit sa kaniya. Nakita ko naman siyang nagulat at agad niyang tinago phone niya. Weird.



"Nandito na pala kayo. Ang aga niyo ah." Sabi niya.



"So... Anong meron sa inyo?" Tanong ko ulit.



"Ahh... Wala." Maikling sabi niya. Nakapagtataka talaga. Hindi naman ganito ka aga si Jen. Pati rin naman si Lance.



Napailing nalang ako.



"Oh? Ang aga niyo naman. Anong meron?" Bungad sa amin ni Ariel.



"Itong dalawang ito ang tanungin mo, kung bakit sila magkasama at maagang pumasok." Sabi ko at tinuro sila Jenny.



"Kayong dalawa ha! May hindi kayo sinasabi sa amin." Panunukso ni Ariel kay lance.




"Ang iingay niyo." Inaantok na sabi ni Jenny pero naka ub-ob parin sa desk niya. Antukin talaga.




"Monday na monday inaantok ka. Ano yan hindi ka natutulog sa bahay niyo?" Tanong niya.



"Hindi ako nakatulog ng maayos." Sagot naman ni Jenny at ini-angat niya na ulo niya, at tinignan kami.



"May problema ka na naman ba?" Tanong ko. Yun lang naman ang isa sa pwedeng dahilan niya.



"Insomnia."



"Stress na naman yan Jenny." Sabi ko.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon