Chapter 31: Maniac

814 24 0
                                    

REY MARK'S POV

Katatapos lang namin mag lunch, kaya pumunta na agad kami sa room.



Nakita ko si ariel na nakatunganga. At mukhang bored.








Pumunta na ako sa upuan ko at umupo.







"Hi mark! Kamusta? Nakakain ka ba ng mabuti?" Malanding sabi ng katabi ko.



Hindi ko nalang siya pinansin.



"Ang cool mo talaga. Wala ka pa talagang girlfriend?" Sabi niya ulit.



"Alam mo available ako. Pwede ka mag apply. Hehehe. Joke lang." Malandi niyang sabi.





"Alam mo bang crush na crush kita? Lagi kitang pinapanuod. Kinikilig nga ako eh." Sabi pa niya.







Psh. Napaka daldal nito. Nakakairita tsaka ang landi landi pa, nagpapacute kahit mukha namang chanak.



Lagi nalang niya akong kinakausap. Psh ayaw ko sa mga madadaldal at mga pacute kahit hindi naman cute.




Sawa na ako magtimpi sa babaeng ito.





"Tss." Tumayo ako sa upuan ko. At binitbit ko ang bag ko.



"Alis dyan." Awtoridad kong sabi sa katabi ni ariel.




"Huh? Hindi dito ang upuan mo. Doon ang upuan mo." Sagot sa akin ng katabi ni ariel.





"Dyan ko gustong umupo. Doon ka sa upuan ko." Malamig kong sabi, kaya natakot siya at sinunod naman ako.




"Tss. Bakit ka dito uupo?" Inis na sabi ni ariel.




Bakit ang sungit sungit nito sa akin. Pasalamat nga siya, dahil tinatabihan ko siya.




"Pake mo?" Pagsusungit ko rin sa kaniya.




"Aba! Hoy! Permanent sit na po yun. At bawal ng lumipat kaya pabalikin mo na siya dito." Sambit niya.






Umupo na ako. At hinayaan na lang siyang magsalita ng magsalita.






Ewan ko ba dyan sa babaeng yan at pag nakikita niya ako ay inis na inis siya.



O baka gusto niyang magpapansin sa akin? Tss. Ang gwapo ko talaga.





"Umalis ka na nga! Ayaw kitang katabi!" Sigaw niya sa akin at tinataboy.







"So? Psh. Dito na ako simula ngayon." Saad ko.









"Isusumbong nalang kita kay teacher." Pananakot niya.





"Sige." Sagot ko naman. As if naman may magagawa pa si teacher noh.







Nag ring na yung bell.



Maya maya pa ay dumating na si teacher.





"Class we will discuss about----" naputol sinasabi ni teacher dahil biglang sumingit itong si ariel.






"Teacher, si rey po wala sa proper sit! Pinaalis niya yung katabi ko." Pagsusumbong niya.





"HUH? BAKIT SILA MAGKATABI?"





"KUNG AKO SA KANIYA HINDI KO NA SASABIHIN KAY TEACHER, SWERTE NIYA NGA KATABI NIYA SI MARK."



"ANG LANDI TALAGA."





When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon