MICA'S POV
7 am nandito na ako sa school. Iilan palang kaming dumating hanggang sa rumarami na ang mga dumadating. Kulang tulog ko kaya inaantok ako. Kung hindi lang ako senermonan ni tita edi sana nakatulog na ako agad.
-FLASHBACK-
"Umm... t-tita sorry po kung ngayon lang po ako. K-Kasi po nag overtime po kami, tapos po wala pa na pong bus na dumadaan kaya no choice kami nila Ariel at Jennifer. Sila nga po malaya pa ang bahay nila eh ta---" Magpapaliwanag pa sana ako.
Kaya lang pinutol niya na sasabihin ko.
"Alam mo bang madaling araw na?! Paano kung mern sayong mangyaring masama?! Hindi ko manlang alam kung saan kita hahanapin! Kanina pa kita hinihintay!" Sermon ni tita sa akin.
"Sorry tita hindi na po ma uulit." Sabi ko.
"Talagang hindi na mauulit! Bukas uuwi ka ng maaga at hindi ka kakanta!" Sigaw sa akin ni tita.
"Tita. Sorry po talaga." Sabi ko.
"Pinayagan kitang mag part time pero hindi ko sinabing kahit anong oras na gusto mong umuwi eh uuwi ka!" Galit parin na sigaw sa akin ni tita.
"Sorry po talaga tita, kasi po kanila Stephen na resto bar kami kumanta, first time namin po doon. Tapos po gusto pa ng mga customers na kumanta pa kami kaya napilitan lang po kaming kumanta ulit." Paliwanag ko kay tita.
"Kahit na! Eh paano kung meron sa inyong mangyaring masama?! Bakit nandoon ba si Steven para protektahan ka?! Mag-isip ka nga minsan Mica!" Sigaw niya sa akin. Nakakatakot na talaga siya.
"S-Sorry po talaga tita." Naiiyak kong panghihingi ng tawad kay tita.
"Ano ba . . . Apo bakit ngayon ka lang? Ikaw wag mong sinisigawan ang apo ko." Singit ni Lola
"Nay naman. Pinapagsabihan ko lang itong si Mica dahil kararating lang niya, anong oras na oh." Paliwanag ni tita kay lola.
"Sige na apo... matulog ka na sa iyong kwarto at meron ka pang klase bukas, baka hindi ka magising ng maaga." Ani ni lola sa akin.
"Thank you po lola. Sorry po ulit tita." Sabi ko at hinalikan si lola sa pisngi at pumunta na sa kwarto ko.
-END FLASHBACK-
Diba? Tsk.
"Morning." Bati sa akin ni Candice, at umob-ob sa desk niya. Mukhang antok na antok din ah. Nagsidatingan na mga kaklase namin pati narin ang 5 lalaking transferees. Umupo na si Vincent sa tabi ko.
"What are you looking at?" Malamig na bungad sa akin ni Vincent.
"Tss." Inirapan ko nalng siya.
"Hi Mica." Bati sa akin ni Ariel.
"Hello." Bati ko rin sa kaniya. Maya maya pa ay nag ring na yung bell, meaning start na ng klase namin. Walang late sa amin ngayon. Pagdating ng teacher namin ay nag pa quiz siya.
Ang masasabi ko lang ay mahirap yung quiz, obvious naman sa score ko diba?
9/20, Wala pa sa kalahati. Si Candice nga pala ang pinaka matalino sa amin. Pangalawa si ariel, tapos si jennifer, tapos kami ni Charline. Kaming dalawa yung kolelat.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...