CHARLINE'S POV
"Jenny? Okay ka lang? Jenny!" Tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Bakit?" Takang tanong sa akin ni lance at tinignan si jennifer.
"Tss. Tignan mo naman! Nanghihina na talaga si jenny!" Natataranta kong tanong sa kaniya.
Bigla natumba si jenny.
"Jenny!" Sabay sabay naming sabi ni ariel.
Binuhat naman siya ni Lance at dinala sa kotse niya ata.
"Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni candice.
"Ikaw ariel, makisakay ka sa akin." Kalmadong sabi ni rey kay ariel.
"Hindi ako sasama sayo, teka saan mo dadalhin si jennifer?" Sabi ni ariel.
"Tss. Malamang sa ospital, mauuna na ako, emergency. Baka mamaya pagnamatay ito at baka ako pa ang sisihin niyo." Sambit ni lance at pumasok na sa kotse niya at pinaharurut na ito.
"Teka! Saglit! Saang ospital?!" Sigaw ni candice.
"Tumahimik ka nga! Sumakay kana, susunod tayo sa kanila." Daing ni Lexus kay candice. Kaya mabilis naman na sumunod si candice at pumasok na sa kotse ni lex.
At pinaandar na niya ang kotse niya, at ganun rin si vincent at sumunod kanila lexus.
"Sasakay ka o hindi?" Tanong sa akin ni carlo.
Kaya sumakay na ako sa kotse niya.
Ganun din si ariel. Pumasok na rin siya sa kotse ni rey.
***
-HOSPITAL-
~Room No. 160, 4th floor~
"Ano sabi ng doctor?" Bungad ko agd kay lance na nakaupo sa tabi ng kama ni jennifer.
"Ok naman na daw siya, nashock lang daw siya sa mga nangyari tapos dahil narin daw sa sugat niya. Tsaka ginamot narin sugat ng isa mo pang kaibigan." Sagot naman nito.
Ay baka si ariel ang tinutukoy niya.
Tinignan ko si jenny. Namumutla parin siya.
"Tawagan niyo na ang magulang niya." Utos naman ni Carlo.
"Candice ikaw na ang tumawag sa mama at papa niya." Utos ko.
"Ayaw ko ikaw nlang." Sabi ni candice.
"Tawagan niyo, at ako ang kakausap." Prisenta ni ariel kaya dinayal na ni candice ang mama ni jenny.
"H-Hello po tita, umm..." hinamapakaling sabi ni ariel na mukhang hindi alam ang sasabihin.
"Ang lakas ng loob mong sabihin na ikaw ang kakausap pero tignan mo nga hindi mo nga rin alam sasabihin." Saad ko.
[OH?! Bakit ka napatawag ariel? Bakit hindi pa nakakauwi si jennifer?]
"K-Kasi po tita... a-ano po kasi eh... nandito po kasi kami sa... a-ano po sa *toot* hospital... p-punta po k-kayo dito." Kinakabahang sabi ni ariel.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...