Chapter 90: Photoshoot

79 4 0
                                    

MICA'S POV

"Okay, ready, pose! Smile like you're in love." Sabi ng photographer sa amin. Kaya ngumiti kami at nag-imagine nalang ako na in love ako.


"Group hug then laugh."


Kaya tumawa kami, nag-isip talaga ako ng nakakatawa.


"Muntimang, isipin niyo nalang sabay sabay tayong nahulog sa kanal tapos magkakayakap pa." Sambit ni Jenny. Kaya naman napatawa kami dahil sa sinabi niya.


"Excellent! Now, fierce."


Ang hirap kasi kagagaling lang namin sa pagtawa tapos nagpatawa pa si Jenny kaya lahat kami ay wait sa una at pangalawang shot, pangatlong shot ay nagseryoso na kami.


"Good! Next, let me arrange you. Dito ka sa gitna Mica Angela lumuhod ka, sa tabi naman kaliwa naman ni Mica Angela si Candice, lumuhod ka rin. Kayong tatlo naman nakatayo lang kayo sa gitna si Charline at sa kanan ni Mica Angela si Jennifer, ikaw naman Ariel sa kaliwa ni Candice." Instruct sa amin ng photographer.


"Sexy pose tayo ha, ready!"


"Show more." Sabi sa amin and we obey. Napansin ko naman na may nagdadatingan na tao. Napalingon ako  ng konti sa bandang likuran, dumating na sila Lexus, hindi nila kasama si Vincent dahil siguro ay wala naman siyang gagawin dito.


"Great!"


"Sht na malagkit, ang aga naman nilang dumating." Bulong na sabi ni Ariel. Yun nga, nagsisimula na akong mailang.


"Another sexy look, good job!"


"Last one, Mica Angela give us a lip bite." And so I did, i bite my lower lip and look at the camera seductive.


"Wow, that hot! Great, show us another sexy pose. Try to look at your friends."


Hanggang sa ilang shots pa ay natapos na din ang group photoshoot, susunod naman ay ang solo that proceed na sa by partner.


Kinakabahan ako kasi hindi ko kilala ang makakapartner ko, Mr. Ocampo daw eh. Isa rin sa top models kaya nakakakaba at nakakahiya kapag nagkamali, sigurado akong profession yun.


"Water break, twenty-five minutes then proceed na sa solo photoshoot. Ariel at Jennifer sa room no. 340 tapos sila Candice at Charline naman ay sa room no. 341, Mica Angela will stay here." Sabi ng manager namin.


Kaya nagpahinga lang kami saglit at gumalaw na agad para sa susunod na solo pictorial. Kaya habang kinukuhaan ako ay napansin ko na may iba ng dumadating na tao.


Hanggang sa matapos ang solo ko ay may nakita akong lalaki na matangkad. Baka ito na yung makakasama ko sa photoshoot.


Nagbihis na ako ng bikini. Nakakahiya man pero wala na rin akong magagawa, umoo na ako at pumirma sa kontrata naka robe ako na lumabas sa cubicle na pinagbibihisan dito.


"Miss Baltazar, ready na po. Dalawang lalaki ang magiging kapartner mo, si Mr. Ocampo at Mr. Lee." Sabi ng assistant manager ko. Halos magulat pa ako ng maramdaman ko ang presensya mula sa likuran ko. Kilala ko ang amoy na yun.


Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.


"Mr. Ocampo at Ms. Baltazar, start na." Sabi sa amin at nakita ko naman na gumalaw na agad yung lalaki at pumunta na sa pagpu-pwestuhan namin.


Pinatanggal na agad sa akin ng assistant ko yung robe ko, ang awkward nga kasi feeling ko nakatingin sa akin si Vincent.


Lumapit na ako sa kay Mr. Ocampo. Napatingin ako sa kaniya, seryoso lang siya at hindi man lang ngumiti. Mukhang masungit, nakakatakot naman.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon