CANDICE'S POV
Nakakainis naman itong si Charline. Lagi niya nalang ipinamumukha sa akin ang bagay na yun.
Hindi ko sinasadyang sigawan siya ng ganun. Nakokonsensiya ako dahil mukhang nasaktan siya sa mga sinabi ko.
Pero anong magagawa ko? Nasasaktan din ako sa mga sinabi niya, kaya hndi ko na napigilan.
Nandito ako ngayon sa tambayan nagpapahangin. Umupo ako sa ilalim ng puno.
Parang gusto ko ng mag back-out.
Bakit ba apektado parin ako pag naririnig ko yung kantang yun? Nagfaflashback lahat sa utak ko. Nung kami pa, masaya.
Ahh! Bakit ko pa ba ito naaalala?!
Ang sakit parin pala kahit ilang taon na ang nakalipas. Bakit nasasaktan parin ako?
Alam kong naka move-on na ako. Pero bakit?
at mukhang naka move-on narin siya sa akin. Nakikita ko na wala na siyang nararamdaman sa akin.
Eh ano naman ngayon kung hindi niya na ako mahal?
"Boo~"
"Ayhindiniyanaakomahal! ANO BA?!" Gulat na sabi ko.
Tinignan ko kung sinung bumulong sa akin sa likuran.
S-Si Lexus lang pala...
Hay...
"Hindi mo ako napansin na dumaan? Nakatulala ka kasi eh. Ang lalim ata ng iniisip mo. Tsaka sinong hindi kana mahal?" Sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Bakit ka nandito?" Walang gana kong tanong.
"Ako unang nagtanong kaya ikaw ang unang sumagot." Sambit niya.
Tss. Ang dami mong alam. -____-
Hindi ko nalang siya pinansin.
"Bakit nga kasi?" Pangungulit niya sa akin.
"Ano?!" Iritadong sabi ko.
"Galit agad? Para nagtatanong lang." Protesta niya.
So? =____=
"Sungit mo. Bakit meron ka ba ngayon?" Pangaasar niya.
Kaya yung hawak ko na bottle water ba may laman pa, binato ko sa kaniya.
"Aray! Bakit mo ako binato?! Ina-ano kita?!" Bulyaw niya. Inirapan ko nalang siya.
"Pero ano nga? bakit lalim ng ata ng iniisip mo? Tsaka sinong h-hindi kana m-mahal?" Seryoso niyang tanong.
Ilang sigundo bago ako sumagot.
"Hmm... wala. May naalala lang ako. Tsaka sinong hindi na ako mahal? Psh. Wala yun. Oh ayan, nasagot ko na tanong mo?! Masaya ka na? Tss." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Novela Juvenil[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...