JENNIFER BELLA'S POV
Nakaka inis talaga sila! Sabing ayaw kong sumali sa mga ganiyan. Tsaka hindi ko pa sinasabi kay mommy, baka hindi niya ako payagan.
Pero sa totoo lang nung sumama yung tatlo, sila Charline, Candice at Ariel. Nainggit ako, parang gusto ko ring sumama kaya lang, nag aalanganin lang talaga ako sa magiging disisyon ni mom at dad. Nauna na akong umuwi sa amin.
***
-Bahay-
"Nandito na po ako." Sabi ko. Nakita kong nasa kusina si mom at dad na naglilinis. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.
"Oh . . . magbihis kana." Sabi ni dad.
"Opo." Sagot ko naman.
Pagkatapos kong magbuhis pumunta ako sa sala namin, at hinintay na pumunta doon sila mommy at daddy ko. Ilang minuto pa ay nakaupo na sila sa tabi ko at naki nuod narin.
"Mom, dad. May sasabihin po sana ako." Pasimula ko.
"Ano yun anak?" Tanong ni dad.
"Umm . . . k-kasi may contest sa school this July. Gusto ko po sanang sumama kasi dagdag grades din po tsak----" Pinutol na agad ni mommy ko ang mga sasabihin ko.
"Kailan ka pa nagka-concern sa grades mo?" Sabi ni mom. Hindi naman masungit na pagtatanong parang normal lang pero alam ko ang gusto njyang iparating.
"M-Mom hindi lang po yun. Pag nanalo po ako sa contest may premyo---" pinutol niya ulit ang sasabihin ko kaya hindi ko ulit natapos.
"Hindi ka sasama, gastos lang yan. Binilhan na nga kita ng gitara mo na kay mahal mahal para lang sa part time mo. Meron kana ngang trabaho. Tapos ngayon gastos ulit?!" Sigaw ni mommy sa akin.
"Hon, huminahon ka. Hayaan nalang natin ang anak natin nasumali sa contest na yan." Singit ni daddy at pinaapahinahon si mom.
"Siguro po hindi nalang po ako sasama. Okay lang naman po sa akin." Singit na sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Punta na ako sa kwarto ko." Sabi ko at tuluyan ng umalis sa harap nila. Pagpasok ko ng kwarto agad kong binaba ang bag ko at umupo sa gilid ng kama ko. Biglang tumulo ang luha ko.
"O-Okay lang yan J-Jennifer . . . hindi naman i-importante yun eh. B-Baka wala lang silang pera pang gastos sa contest mo." Kausap ko sa sarili ko.
Minsan nga iniisip ko mahal ba talaga ako ni mommy? Feeling ko ampon lang ako eh. Mas matatanggap ko pang ampon ako, kaysa sa tunay akong anak. Bakit? Kasi pag ampon ako atleast alam ko kung anong dahilan kung bakit ganun trato nila sa akin, pero kung tunay man akong anak. Hindi ko na alam, hindi ko alam kung anong dahilan.
Kinuha ko yung picture frame sa study table ko.
"K-Kailan ka babalik? K-Kailangan kita ngayon.... harley..." iyak ko at yinakap ang picture frame. Biglang may kumatok. Kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan.
"Ate Kakain--- ate umiyak ka po ba?" Tanong sa akin ng bunso kong kapatid na si Jennilyn. 5 yrs old palang siya. Well 3 kaming magkakapatid ung isa naman si Jerry 8 yrs old. In short ako ang panganay.
"Huh? Hindi ah. Hindi umiiyak si ate." Pagsisinungaling ko.
"Kakain na daw po." Yaya ni Jennilyn.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...