LANCE' POV
Uwian na.
Ngayon kami gagawa ng music video namin.
Wala pa kasi talaga kaming na uumpisahan.
At kasalanan yun ni pangit.
"Dalian mo." Sabi ko sa kaniya. Kasi naman ang dami dami niyang bitbit.
"Tss. Usong maghintay." Pagtataray niya.
Ayaw ko ng pinaghihintay, kaya tinulungan ko nalang siyang ayusin mga bitbit niya.
Mga notebooks niya at mga libro.
"Akin na." Sabi niya.
Tss tinutulungan na nga siya eh.
Hindi ko binigay mga gamit niya at nauna ng naglakad. Tsk. Mabuti na kakaya niyang magdala ng ganito karaming gamit. Pwede naman kasing iwan ss locker eh. Psh.
"Akin na sabi. Tignan mo nga pinapatay na nila ako sa tingin." Ani niya.
"I don't care. Psh. Bakit ba kasi ang dami mong bitbit? Mabibigat itong mga ito, baka mabali pa buto mo." Sabi ko.
"Excuse me! Kaya ko po! Tsaka pake mo ba? Ako naman magbibitbit eh!" Sigaw niya sa akin. Akmang kukunin niya na sa akin pero iniwas ko ito para hindi niya makuha.
"Oh ghosh! Hindi nalang nahiya. Pinabitbit niya pa kay lance baby ko."
"Ang landi niya."
"Ang sweet nila. Bagay sila."
"Ewww. Ang pangit niya kaya hindi sila bagay!"
"Oo nga."
"Ibigay mo na sabi eh!" Sigaw niya.
Pero hindi ko siya pinansin at inilagay ko nalang ang gamit niya sa kotse ko.
Hinila ko naman siya at ipinasok sa kotse ko.
Pagpasok ko sa kotse ko, tinext ko agad si mark."
To: Rey mark
Nandito na kami ni pangit sa kotse ko. Saan tayo?
Sent
Tinignan ko si pangit. Naka cross arms siya at nakasimangot.
Maganda na sana siya kaso masungit lang talaga.
What?! Sinabi ko talaga yun?! Tsk! No! Mali kayo ng pagkakabasa!
"Bukas talaga pag inabangan ako ng mga pangit mong fan girls, kakalbuhin kita." Sambit niya.
"Wow! Makapangit ka ha, parang ikaw hindi." Pang aasar ko.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...