CANDICE'S POV
Nandito ako ngayon sa kwarto nagrereview para sa exam namin next week. Tumunog phone ko, pero hindi ko iyon pinansin. Kaya nilagay ko nalang sa silent mode yung phone ko. Mamaya ko nalang titignan, mag rereview muna ako.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko alam kong si mama yun. Hindi na ako nag-abalang lingunin siya.
"I'm going to my friends house, you want to come with me? Patrick is also there." Tanong sa akin ni mama. Lumingon ako kay mama at umiling.
"I have to review for my exam next week. Mahirap kaya kailangan ko ng simulan mag-review." Tanggi ko.
"Is that so? Okay lang ba na iwan kita mag-isa dito? Papuntahin ko nalang dito si Patrick para may kasama ka."
"No, no. No need, kaya kong mag-isa ma." Patrick, Patrick. Lagi nalang Patrick ang bukang bibig niya, for pete sake may boyfriend ako at Lexus ang pangalan niya. Gusto kong sagutin si mama pero pinigilan ko sarili ko dahil baka kung ano pang mangyari.
"Okay, I'm leaving. Call me if there's a problem. Baka malate ako ng uwi." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Kaya nakahinga ako ng maluwang at nagreview nalang ulit.
***
Tinignan ko yung orasan ko, it's already 9 in the evening. Nag-inat ako dahil ilang oras na akong makaupo at nagrereview. I need to rest. Naalala ko hindi pa pala ako kumakain kaya pumunta ako ng kusina para magluto ng pagkain ko.
After I cook my food for dinner, I get some ripe mangoes to make mango shake. After that I put it in my container and go back to my room.
Oo nga pala, baka nagchat na si Lex, 9 am na sa kanila alam kong gising na yun at nakapasok na.
At totoo nga, marami nga siyang chat sa akin. Isa-isa ko itong binasa.
Bigla akong kinabahan unang chat niya palang.
I saw your photo with some guy.
Is it really just some guy, baka naman boyfriend mo? Ipakilala mo naman sa akin.
Saan niya na kita? Anong picture? Hindi ko maintindihan. Kahit ganun pa man ay kinakabahan pa rin ako, kahit hindi naman ako nagloko sa kaniya.
Ang sweet naman niya, may paakbay pa sayo. Tapos ikaw nakangiti pa.
Ano? Hindi ka magrereply sa akin? Busy ka ba sa pag entertain sa bago mong boyfriend?
W-What? Don't tell me si Patrick yung tinutukoy niya? Kailan kami nagkaroon ni Patrick ng picture . . . Sht! Anong boyfriend?! Siya lang boyfriend ko! Pinagbibintangan niya ba ako? Hindi ako nagloloko!
Ni-reply-an ko siya.
Anong pinagsasabi mong boyfriend? Ikaw lang ang boyfriend ko. And for your information, hindi ako nakapagreply sayo dahil exam ko next week kaya nagrereview ako. Tsaka hindi ko alam na magchachat ka kanina dahil alam kong madaling araw dyan. Seriously Lex? 3 am dyan nung nagchat ka.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa irita. Ang hirap ng LDR, gaya nito 'di ko alam kung paano mag explain ng maayos kasi gusto ko harap-harapan mag-uusap. Ayaw ko ng ganito pero wala kaming magagawa.
Tumunog naman ang phone ko, alam kong siya yun.
Sinong hindi mapapachat ng madaling araw kung ang makikita ko ay ang upload ng mama ng GIRLFRIEND KO na isang picture. Alam mo kung anong nakita ko? Picture mo lang naman na nakangiti at may naka-akbay sayo na lalaki. Sa tingin mo sinong hindi magugulat?
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...