Chapter 15: Blackmail

839 25 0
                                    

MICA'S POV

Nandito ko ngayon sa room 12. Well kasama ko pala si Vincent. Tss.






Well, Sasama na ako sa pageant, sayang nga lang hindi sumali si Jennifer.






Hindi talaga ako sasama kaso lang, nang asar ba naman itong kumag na ito kaya napilitan akong sumali.








Tsk. Ganito kasi ang nangyari kanina.




*FLASHBACK*

-OFFICE-

Nandito kami ng vincent sa office.


"Ano na ang disisyon mo ms. Baltazar?" Tanong sa akin ng principal.






"Hindi po ako sasali." Makli kong sabi.




"Sige, kung yan talaga ang disisyon mo." Sang ayon naman ng principal.






"Sige po alis na po ako." Paalam ko. At lumabas na ako ng office at lumabas na rin si vincent.







"Tss. Alam ko kung bakit ayaw mong sumali sa contest." Walang imosyong sabi ni vincent sa akin.





???




"At ano naman yun?" Na curious ako sa sinabi niya eh.





"Kasi... marami kang peklat, diba? Well nakakahiya talaga yun kung makita namin." Sabi nito.





Ako? May peklat? Saan? Bakit hindi ko alam?





"Ako? May peklat? Tss. Asa naman. Wala akong peklat mister. Baka nga ikaw diyan eh." Sambit ko.









"Ako magkakapeklat? Never. Tsk. Kaya nga ako pumayag na sumali sa contest na ito eh. Ikaw ang may peklat tama? Nahihiya ka kasing mag shorts kasi baka mandiri kami." Nakangising sabi nito.






"Excuse me! For your information! Wala akong peklat!" Bulyaw ko.






"Oh really? Eh bakit ayaw mong sumali sa pageant? Tss. Just admit it, I knew it already, Don't deny ." Walang gana niyang sabi.






"Tss. Ang kulit naman nitong kausap! Ayaw kong sumali kasi wala akong pera pang gastos para sa mga damit!" Asar na asar kong sabi.






Nakaka high blood naman itong lalaking ito! Aish! Makinis po talaga balat ko. Wala akong peklat kahit na saan. Kahit sa singit wala! As in wala!





"Sagot ko na mga kailangan mo. Ano? Wala ka nang problema sa pera na gagastusin mo, so what? There's no excuses anymore." Malamig na sbi niya.




Sasagot pa sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.




"Sasama ka kung wala ka talagang peklat." Dagdag pa nito.





Tsk!



"Tss. Oo sasama na ako. Kainis ka talaga kahit kailan! Hindi ko kailangan ng pera mo! Sayong sayo na!" Sagot ko.





"Sabihin mo na kay ma'am." Malamig niyang sabi.




Kaya lumuob kaming dalawa sa office. Sinamahan niya kasi ako eh.




When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon