MICA'S POV
KINABUKASAN
-SATURDAY-
Yehey! Walang pasok! Magagawa ko lahat ng gusto ko.
TInignan ko kung anong oras na.
9:15 am na pala.
Oo nga pala, maglilinis muna ako ng bahay bago gawin ang mga gusto kong gawin.
after 1 hour
Hay... kapagod.
Katatapos ko lang maglinis ang loob ng bahay. Hindi naman kasi ganun kadumi ang bahay namin.
Tsaka wala naman nagkakalat dito eh. Kami kami lang naman nila lola at tita dito.
Tsaka maliit lang naman ang tinutuluyan namin.
"Oh... kumain kana." Yaya ni lola.
"Opo." Sagot ko.
"Nga pala Mica, paano kung kunin ka ng Mama mo? Sasama ka ba sa kaniya?" Biglang tanong sa akin ni TIta.
*cough cough*
Naubo ako.
Binigyan naman ako ni tita ng tubig na nasa baso.
(Hahaha. Alangan naman sa timba diba? Haha. joke lang. Okay... Ang corny ko. XD)
"U-Umm... bakit niyo naman po yan naitanong?" Pagtanggi ko sa tanong ni tita.
Sasama nga ba ako? Tss.
"Wala lang, kasi baka pag nalaman mo palang may kaya nanay mo at baka gusto ka niyang kunin baka iwanan mo na kami." Matamlay na sabi ni tita.
Napangiti ako sa sinagot niya.
Nilapitan ko sila ni lola at yinakap ito.
"Hay... kung kukunin niya man ako o mga kapatid ko. Syempre... hindi ko kayo iiwanan, kayo ang nagpalaki sa amin, napaaral, nag alaga, at nagpasaya sa amin. Kahit anong sabihin babaeng yun, hindi ko kayo ipagpapalit." Paninigurado ko sa kanila.
Kahit istrikto itong tita kong ito? Mag mahal ko siya kesa sa nanay kong iniwan kami.
Rude na kung rude pero sana sinabi niya sa amin ang dahilan kung bakit niya kami iniwan. Pero sana wag na siyang magpapakita sa amin.
Ang sama ko noh? Well, hindi ko naman masisisi sarili ko.
"Salamat sa lahat mica, alam mo naman siguro na mahal ka namin nila tito mo, lola at auntie mo." Biglang naging imosyonal si tita kasi bigla siyang humukbi.
"La, tita, wag kayong mag alala, hindi ko kayo ipagpapakit sa kahit na sino. Pangako ko yan." Sabi ko kanila Lola at tita.
"Apo... sana wag kang magbago." Nakangiti niyang sabi sa akin
Hay wag nga kayong ganiyan parang kukunin naman kasi ang ng mama ko. Tsk. Ayaw kong umiyak!
"Ano ba naman ito. Tss. Lola, tita naman eh. Ayaw ko ng malungkot kayo." Sabi ko na pinipigilan ko ang tubig sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...