CHARLINE'S POV
Ay... Langya naman oh! Saan ba nagpunta ang babaitang yun?!
"Bakit wala pa siya? Imposible namang umuwi na siya." Takang sabi ko.
"Yun nga eh. Epal talaga ang isang yun. Tss." Sabi naman ni jennifer.
"Eh kung itext mo kaya siya. Anong silbi ng cellphone kung hindi mo gagamitin." Pagtataray ni ariel.
"Eh sa wala akong load eh. Sige ikaw magpaload." Giit ko.
"Tss. Kung hanapin nalang natin sila para makauwi na tayo kesa sa nagtatalo kayo dyan." Iritadong sabi ni jennifer.
Asaan na ba si candice?
Tss. Si mica rin. Kinakabahan na tuloy ako.
Nandito ako ngayon sa isang sulok naka upo. Pagod na ako sa kakalakad.
Mag na-9 na pero hindi parin kami nakakauwi. Siguradong papagalitan na kami.
Lalo na si candice at jennifer.
Papagalitan na talaga kami. Doble doble na ang kaba ko. Dahil hindi pa kami nakakauwi, at gabi na. At si mica at candice na bigla nalang nawala at hindi pa namin nahahanap.
"Jane!" Biglang may tumawag sa akin.
Nakita ko naman si candice na tumatakbo papalapit sa akin.
"Walanghiya ka! Saan ka ba nanggaling?!" Bungad ko sa kaniya.
"Meron lang akong pinuntahan. Pero si mica ayos naman na siya. Kaya umuwi na tayo." Sagot niya.
Napakunot naman ako ng noo.
"Saan galing si mica? Nauna nang umuwi?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Basta... Tara malalagot talaga ako sa lolo at lola ko." Nag-aalalang sambit nito.
"Tara tawagin na natin sila ariel at jennifer, nang makauwi na tayo." Saad ko.
***
Nagpahatid kasi itong dalawang ito sa bus stop kasi natatakot daw sila.
Hindi sila takot na umuwi ng gabi sanay na sila pero madilim kasi eh kaya nagpasama sila.
Alam mo naman sila takot sa... Alam niyo na. Ghost.
"Ano? Alis na kami ah. Ayan na oh. May nakikita na akong bus." Sabi ni candice.
"Thank you. Bye ingat sila sa inyo." Sabi naman ni jennifer.
Inirapan ko nalang siya.
***
Nandito na ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...