MICA'S POV
"Nakakainis talaga sila! Sila magpapart time para lang maka ipon para sa contest namin! Masyado silang mabait!" Sigaw ko dito sa loob ng kwarto ko.
"Pero... sana hindi sila magbago. Hay... sana hindi kami magkahiwalay kahit anong mangyari." Matamlay kong sabi.
"Pero nakakainis talaga sila! Tsk! Paano ba ako babawi sa kanila?" Kausap ko sa sarili ko.
Yup kausap ko sarili ko, wala ako makausap eh. Hahaha. Joke baka pagkamalan niyo pa akong baliw.
Well baliw naman talaga ako. Joke lang ulit. Hahaha ^_^
CHARLINE'S POV
Nandito kami ngayon sa bahay nila candice kasi naman ipapaalam namin siya, para payagan.
"Hello po, lolo, lola." Bati namin sa kanila at nagmano.
"Oh bakit kayo nandito?" Tanong ng lolo ni candice.
"Umm... ano po kasi... p-pwede po sanang mag part time kami, para sa ano po, sa contest. Yung best friend po kasi namin sasama sa pageant for the first time. Kaya susuportahan po sana namin. Kaya po kami mag tatrabaho pansamantala. Dibale po hanggang sa thursday lang po kami." Naglakas loob na akong sabihin sa lolo at lola ni candice.
"Anong oras matatapos part time niyo? Anong part time yan? Saan?" Sunod sunod na tanong ng lola niya.
"5:30-9:30 pm po. Waitress po sa restaurant, sa *toot* po." Sagot ni ariel.
"Wala pong mangyayari sa amin, magiingat po kami. Tsaka po pagkatapos po ng part time namin uuwi na po agad kami." Dagdag pa ni jennifer.
"Magkano naman ang sweldo niyo?" Tanong ng lolo ni candice.
"Hmm... hindi pa po sinasabi eh." Sabi ni ariel.
"Sige pero magiingat kayo. Pagkatapos ng trabaho niyo, umuwi na agad kayo." Concern na sabi ng lola niya.
Hindi naman pala masungit eh.
"Sige po. Salamat po lolo, lola. Magiingat din po kayo. Alis na po kami." Paalam ko.
"Sige wag masyadong magpapagabi." Pahabol ni lola.
"Opo." Sabay sabay namin sabi.
Yes! Hahaha. Papayagan si candice kung kami ang magpapaalam. Meron kasi silang tiwala sa amin. ^____^
***
-KING SANTOS' RESTAURANT-
"Good evening sir and ma'am. This way ma'am, sir." Entertain ko sa kanila at inihatid sila sa kanilang uupuan.
Binigay ko sa kanila ang menu namin.
Nga pala hindi ko kasama sila ariel, candice, at jennifer.
Kasi sa iba sila na restaurnt kasi wala na ring vacant dito eh.
Pero ang alam ko magkakalapit lang kami ng pinag tatrabahuan.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...