Chapter 62: Tears

530 16 0
                                    

MICA'S POV



-LUNCH BREAK-




Tahimik kaming kumakain kasama namin sila Vince.



Iba ang katahimikan ngayon. Merong kakaiba kay Ariel. Isang tanong, isang sagot. Tapos itong si Rey... hindi niya kinakausap si Ariel. Sinusulyapan niya lang ito.





Anong meron sa dalawang ito? At pati kami ay nadadamay sa katahimikan nila.





*cough cough*





Napalingon kaming lahat kay Ariel na nabulunan bigla. Agad naman na inabutan siya ng tubig ni Rey.





Pero... imbis na tanggapin ay hindi niya yun pinansin at yung tubig ni Jenny ang kinuha niya.





Napaawang nalang bibig ni Jenny, imbis na magprotesta ay tumahimik nalang at hinayaan.






Halatang iniiwasan ni Ariel si Rey. Anong meron? Bakit?





"Nauuhaw kana? Sayo nalang itong akin." Alok ni Lance kay Jenny ng tubig. Umiling naman si Jenny.






"Ah eh... ayos lang ako. Hindi... naman ako gaano uhaw." Pagdadahilan niya. Parang naiilang si Jenny kay lance ah. Ahhh Oo nga pala, siguro dahil yun sa kiss. ^___^





Mabuti nalang, navideo-han nila Candice yun. Dahil pasekreto naming iniedit videos nila para sa MV na gagawin para sa kanila.





Pero ano kayang problema ng dalawang ito? Tinignan ko si Rey. Nakatingin lang kay Ariel. Napabuntong hininga naman siya.





Napatingin ako sa katabi ko. Hinawakan niya kasi buhok ko.






"Inayos ko lang buhok mo." Sabi niya. Hindi siya nakangiti pero hindi ko alam bigla lang bumilis tibok ng puso ko.





"Minsan wag kang mangbibigla ha. Nagugulat ako sa ginagawa mo eh." Sabi ko naman. Imbis na sagutin ako ay kinindatan pa ako ng loko. Tsk. Abnormal.





"Mamaya ihatid kita sa inyo. Doon din ako tatambay, para maihatid na din kita sa Resto." Sabi ni Vince.






"Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Baka pagalitan ka anong oras ka na rin nakakauwi." Kunot noo kong tanong sa kaniya.






"Concern?" Nakangising sabi niya. Syempre concern ako! Baliw ba siya?







"Malamang. Tsaka baka pagalitan ka nang dahil sa akin." Sagot ko naman.







"Wag kang mag-alala nagpaalam na ako. Tsaka alam naman nila dad na ikaw kasama ko." Kinindatan niya na naman ako.






"Wag ka ngang kumindat dyan! Kilabutan ka naman." Saad ko.






"Ang sabihin mo kinikilig ka lang."






"Wag ka ngang ngumiti!" Sigaw ko sa kaniya.






"Bakit? Lalo ka bang na iinlove sa akin?" Sabi niya at kinindatan ulit ako. Aatakihin ata ako sa puso dahil sa baliw na lalaking ito!






"Hindi! Ang creepy mo kasi!" Inis na sabi ko.






"Kinikilig siya."






"Hindi ako kinikilig!"






"Ganyan ka ba talaga pag kinikilig?" Sabi niya at gamit ang nakakalokong ngiti niya.







When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon