MICA'S POV
We've won but I still feel not fine. I don't know, maybe I'm just nervous about our final grades.
Ngayon namin malalaman kung nakapasa ba kami sa mga subjects namin, I am nervous, really. Kasi hindi ako sure sa lahat ng subjects na sinagutan ko.
"Chill Angela, I'm sure no one will failed. Trust me." Yan ang sabi sa akin ni Vince, but still not calm. Nagulat ako ng bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at nginitian ako. Kaya nginitian ko din siya pabalik.
After few minutes na release na ang status kung sino ang mga nakapasa. I pray before I look in the result. I read the names, natuwa ako dahil ang unang kong nabasa ay ang pangalan ni Vince. Wow siya ang Top 1. I'm so proud of him.
Kinakabahan ako habang binabasa ang pangalan pababa, and yes! Natutuwa ako dahil sa section namin ay walang bumagsak!
"Let's celebrate!" Sigaw ni Carlo. Kaya naghiyawan lahat ng kaklase ko.
"I told you to trust me." Yan ang sabi sa akin ni Vince. I hug and thank him.
Pagkatapos ng class hours ng umaga hindi na kami pinapasok ng hapon dahil nga tapos narin naman ang finals namin at walang bumagsak kaya magkikita-kita nalang daw ulit sa graduation day.
Nagkayayaan kaya heto kami papunta sa WOF, maglalaro at kakanta, videoke talaga ang sadya nila.
Napabuntong hininga ako dahil matagal siguro ulit kaming magkakasama ng madalas dahil magkakahiwalay hiwalay na kami.
Nakapasa si Jenny sa private university at nakakuha ng scholarship. Si Charline naman meron ng napiling university at may free dormitory na, hinihintay niya Ang result ng entrance exam niya pero makapasa man o hindi doon parin siya. Si Ariel ganun din, same university sila ni Lin pero magkaiba sila ng course. Si Candice naman wala pa siyang university na napipiling pasukan, pero nakapasa siya sa school nila Vince at sa papasukan ni Jenny.
Ako? Well may scholarship ako sa university nila Vince, remember yung sa Pageant? Nanalo kami kaya may scholarship na agad ako sa university nila at sa public university. Sa totoo lang pinag-iisipan ko pa kung saan ba talaga ako papasok.
Private university nila Vince or sa public university. Nag i-inquire pa ako kaya undecided pa ako, hindi naman ako pinipilit na sa university nalang nila ako pumasok at nakakatulong yun sa akin. Para makapag isip ng maayos. Walang pressure.
Nandito na kami sa mall, to be exact sa WOF (World Of Fun).
"Gusto mo basketball tayo? Pataasan ng score. Ang matalo may dare." Paghahamon ni Rey kay Ariel.
"Game! Walang iiyak ha!" Maliksing sabi ni Ariel. Napangiti naman ako. Mukhang masaya ito ah. Tignan natin.
Pinanuod namin sila, si Jenny todo cheer kay Ariel. Si Candice at Lin naman ay nag chi-cheer kay Rey. Napailing naman ako, gusto siguro nilang matalo si Ariel para sa dare.
Tinignan ko naman sila Lexus, Lance at Carlo na nasa isang machine na kuhaan ng stuff toys. Nakakatawa kasi parehas silang seryosong-seryoso na sinusubukang makakuha ng stuff toy, mukhang naka ilan narin silang tokens para sumubok.
Nagulat naman ako ng may inabot sa akin si Vince. Nanlaki ang mata ko. Medyo malaking bear, si Ice bear. Paano siya nakakuha nito?
"Saan galing ito?" Takang tanong ko.
"Doon sa counter, sa palitan ng tickets. Marami akong nakuhang tickets tapos marami ding nagbigay sa akin kaya naka 4,000 plus tickets ako." Napa awang bibig ko dahil sa sinabi niya. Wow. Wala pa kaming 30 minutes dito tapos naka 4k na siya na tickets? Wow ang bait naman ng mga nagbigay ng tickets. Iba talaga pag gwapo.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Novela Juvenil[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...