⚠️ WARNING ⚠️
ARIEL'S POV
Magsi-six days na mula nang itakbo namin sa hospital si Jenny at ngayon ay ino-operahan na siya sa puso. Nandito kaming lahat sa labas ng operating room kung saan ino-operahan si Jenny.
Naka ilang dasal na ako na sana maging okay yung operasyon niya, na sana walang maging problema, na sana paglabas niya ay okay na siya, na sana pag gising niya masaya na.
Nakatayo kaming mga babae habang naka tingin sa pinto ng operating room. OA na kung OA pero magdadalawang oras na kaming nakatayo at palakad-lakad dito habang hinihintay na kumabas ang doktor ni Jenny. Yung mga lalaki naman naka-upo habang naghihintay.
"Kumalma ka nga muna, kanina pa ako napapagod sa kakatingin sa inyo na palakad-lakad dyan." Biglang sabi ni tito kay tita.
"Bakit kasi ang tagal nila sa loob? Kinakabahan tuloy ako." Kinakabahan na sabi ng mama ni Lance.
"Sweetheart naman, normal lang na ilang oras ang maigugol nila sa pag-opera. Mahirap ang ginagawa nila, sigurado naman ako na ginagawa nila ng mabuti yung trabaho nila." Pagpapaliwanag sa kaniya ng asawa niya.
Dahil sa sinabi ni tito, kumalma ako ng konti pero si Lance, kabadong-kabado pa rin. Naka yuko siya habang naka-upo at nakapikit.
Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin, iniwaksi ko yun dahil ayaw ko pa rin na lumalapit siya sa akin, you know who am I talking about. Si Rey lang naman ang uma-akbay sa akin eh.
"Calm down, okay? Umupo ka muna." Rinig kong sabi niya sa akin pero hindi ako nakinig.
Another two hours passed by. Apat na oras na kaming naghihintay pero hindi pa rin lumalabas yung doktor.
Nang biglang bumukas yung pinto ng operating room, nakita namin na yung assistant ng doktor yung lumabas mukha siyang nagmamadali, agad naman kaming lumapit sa kaniya para tanungin bago pa siya maka-alis.
"Doc! Kumusta po yung operasyon? Tapos na po ba?" Tanong ni tita sa doktor.
"Sandali lang po mga ma'am at sir, kailangan ko na po munang tumawag ng iba pang mga doktor. Nagkaroon ng emergency sa operasyon, excuse me po." Nagmamadaling sabi ng doktor at mabilis na lumakad paalis.
"A-Ano?" Naguguluhang sabi ni Mica.
"Candice!" Nagulat ako sa sigaw ni Lin. Nakita ko na hawak niya si Candice na nakahiga sa sahig. Lumapit din kami sa kaniya.
"Tulungan niyo ako! Nahimatay si Candice!" Sabi ni Lin. Agad namang lumapit si Lexus kay Candice at binuhat siya.
"Dito na muna kayo, ako na yung sasama kay Lexus." Sabi ko. Kaya tumakbo ako kung saan pumunta si Lexus.
Nakita ko naman na ini-assist si Lexus at pinahiga, binigyan din ng oxygen si Candice. May sinasabi yung nurse pero hindi ko maintindihan kasi sa dami ng nangyayari hindi ko na ma-digest ng utak ko yung mga nangyayari.
Ipinunta si Candice sa isang kwarto, lumuob namna kami doon at para bantayan si Candice.
"Shock na shock siya sa narinig niya kanina." Sabi ko. Tumango namna siya bilang pagsang-ayon sa akin. Tinignan ko siya kung paano niya titigan ng mabuti si Candice habang wala pa ring malay.
Nakakalungkot na wala na talaga sila. Akala ko ba naman sila na hanggang huli. Akala walang imposible sa kanila kasi alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa. Nakakapanghinayang at nakakalungkot.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Ficção Adolescente[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...