Chapter 91: Talk

59 6 0
                                    

MICA'S POV

Habang nasa training kami ni Vincent ay wala kaming imikan. Halos mahiya nga ako kasi mukha siyang eksperto sa pag momodel. I mean hindi pala mukha, kasi talagang eksperto na siya. Para akong nanliliit kanina dahil sobrang galing niya at syempre hindi ko maitatanggi na maganda ang katawan niya i-dagdag mo pa na gwapo siya.


Pagkatapos ng training namin sa modeling for eight hours ay umalis na rin agad kami at nakipagkita kila Candice.


Nagyayaya sila na kain kami sa labas kasama yung mga lalaki. Kaya no choice ako kundi ang makisabay kay Vincent sa papunta.


Wala pa rin kaming imikan kaya medyo awkward.


"Okay lang ba na sumama ako sa inyo?" Bigla siyang nagtanong.


Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko siyang pasamahin pero wala akong magagawa dahil iisa lang ang circle of friends namin.


"Okay lang naman. It's up to you kung gusto mong sumama o hindi. Kung ayaw mo namang sumama eh 'di ibaba mo nalang ako sa gilid at magtataxi nalang ako." Mahabang sabi ko. Nagsisi ako sa sinabi ko dahil tulog galit ako.


"N-No, gusto ko talagang sumama. Pero kung ayaw mo naman akong kasama, then I will adjust at hindi nalang sasama." Depensa naman niya. Napabuntong hininga naman ako sa narinig ko.


See? Nagmumukha akong galit at masama. Maybe I am, but can't you understand me? Gusto ko lang umiwas kasi may mga bagay na ayaw ko ng maramdaman ulit.


Isa na doon ang presensya niya. Gusto ko lang naman umiwas pero alam kong mahirap yun gawin tulad nito pati sa trabaho ay kasama ko siya.


"Hindi ko sinasabing ayaw kita makasama." Sabi ko.


"Hindi mo sinasabi pero nararamdaman ko Angela." Malungkot na sabi nito. Hindi ako makasagot dahil siguro halata na umiiwas ako sa kaniya.


"If you don't want me around, just say so. Ayaw ko ng nakikita kitang nahihirapan sa ganitong set up." Parang may pumiga sa puso nung narinig ko iyon pero nagmatigas ako.


"Yeah, I don't want to be with you. Ihinto mo sa gilid at baba na ako. Hindi na ako pupunta, ikaw nalang ang pumunta." Malamig kong sabi.


"No, ikaw nalang ang pumunta. I will send you ther---" Nilingon ko siya at pinutol ang sinasabi niya.


"Sinabing ikaw na ang tumuloy doon. Dahil kapag ako yung nandoon at wala ka, baka kung anong isipin nila. Magmumukha na naman akong masama, well siguro nga napakasama ko dahil gusto kitang iwasan at ayaw makasama. Pero wala akong magagawa dahil ito ang nararamdaman ko! Ibaba mo ako sa kung saan at mako-commute nalang ako." Sigaw na saad ko.


"I-I will send you in your condo." Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.


"I said drop me somewhere and I'll call some taxi." Mariin na sabi ko.


"Let me send you in your condo. After that I will not bother you anymore. I promise you." Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.


Hindi na ako nakapagsalita ulit at hinayaan nalang siya na ihatid ako.



***

Ilang araw na ang nakalipas at ako lang mag-isa ang nagti-training. Pinanindigan niya na, na hindi niya na ako guguluhin.


Honestly mabigat sa pakiramdam dahil pakiramdam ko ay pinilit ko siya na gawin yon kaya hindi siya makasama sa training namin.


Hindi ko alam pero na konsensya ako sa ginawa ko at pati sa trabaho ay hindi talaga siya nagpapakita.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon