Hi! Ito na update ko. Sana makapaghintay pa kayo para sa next update ko.
Salamat sa paghihintay.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
MICA'S POV
Tsk. Kinakabahan ako, ilang minuto nalang magsisimula na ang game namin.
Hindi ako kinakabahan sa game namin, kinakabahan ako sa sugat ko.
Paano kung dumugo? Paano kung biglang sumakit? Paano kung malaman nila Charline? Anong sasabihin ko? Anong ipapalusot ko?
"Ngayon kinakabahan ka. Tapos sumama-sama ka pa." Bulong sa akin ni candice.
Psh.
"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko lang sila na magtampo? Psh. Gosh candice. Hindi ko kaya yun, kung ikaw kaya mo ako hindi ko kaya." Iritado kong bulong sa kaniya.
"Lagi mo silang iniintindi pero yang kalagayan mo hindi mo manlang iniintindi! Come on angela. Kahit minsan lang, intindihin mo naman ang kalagayan mo." Sermon sa akin.
Now what? Galit na siya?
Tinaasan ko siya ng kilay.
Nakatingin na sa amin sila ariel.
"What's going on?" Tanong ni jennifer.
"Don't mind us." Sabi ko ng nakatingin lang kay candice.
"Sa palagay mo. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, diba yun rin ang gagawin mo?" Malamig kong sabi.
"Sorry kung nasigawan kita mica---" hindi ko siya pinatapos.
"Sagutin mo ang tanong ko." Seryoso kong sabi.
"Ano ba yan!? Oo na Oo na. Psh. Edi wow! Ikaw na ang panalo." Padabog na sabi niya.
"Yun naman pala eh." Nakangiti kong sabi.
***
Nandito na kami sa tennis court.
Final round na.
Ako at si gwen ang kalaban ko. 3rd section, 4th year.
Yung mga nakalaban ko kanina medyo hindi naman ako nahirapan.
Pero pagod na ako eh. Pero kailangan kong manalo kasi para sa aming magkakaibigan wala dapat talo. Hindi naman sa bawal.
Pero kasi nakakahiya kung ako lang ang talo sa amin diba?
Prrrt!~
Start na.
Sa akin yung bola itinira ko na. Natamaan naman ni gwen, yun napasahan na kami. Hanggang sa...
Prrrt!~
Yes! Score ko.
Bola niya. Tinira niya pero out side. Salamat score ko ulit.
2 - 0 na.
***
Ang boring...
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...