CHARLINE'S POV
Naglalakad palang ako papunta sa room ko pero ang weird kasi pinagtitinginan ako ng mga students. Napayuko naman ako at pasimpleng napapunas ng mukha, may dumi ba mukha ko.
Tinignan ko din anh damit ko at inayos, ano bang problema ng mga students sa akin?
Nang makarating na ako sa room, nagulat ako ng salubungin ako ng mga ka blockmates ko.
"OMG! Nandito si Carlo kanina ka pa hinihintay." Sabi nila at parang kinikilig.
"Charl, para pala sayo." Napatingin ako sa nagsalita, si Carl may hawak na chocolates at mga rosas. Tinitigan ko siya. Para saan ang mga ito?
"Kung para ito sa pagsosorry mo, hindi naman kailangan na may paganito pa. Now, you're forgiven. Umalis kana." Pagtataboy ko sa kaniya. Pero imbis na umalis siya sa harapan ko, humarap pa siya sa akin at mas lumawak ang ngiti.
"Hindi lang naman kasi ito para sa paghihingi ko ng tawad, nanliligaw ako sayo. In case na hindi mo pa alam." Napaatras ako ng wala sa oras at muntikan pa akong matumba mabuti nalang nahawakan agad ako ni Carl at pati na rin ang mga kablockmates ko na kaibigan.
Wait, ang hirap intindihin ng sinabi niya. Nakakalito, saglit! Ang bagal mag process ng utak ko ngayon.
Naririnig ko pa rin kung paano tumili ang mga tao dito sa room.
"Hindi mo naman ako kailangang sagutin agad. I will court you, hanggang sa magkafeelings kana sa akin kung wala ka pang feeling sa akin." He wiggled his eyebrows. Dahil doon natauhan ako, anong ligaw-ligaw? Hindi ako magpapaligaw sa kaniya, kung iniisip niya na nagseselos ako noon kaya ganun ang inasta ko nagkakamali siya.
"Pwede umalis ka nalang sa room namin?" Inis na sabi ko. Baka isipin niya madadala niya ako sa ganito, hindi ba sinabi ko pinapatawad ko na siya? Bakit ayaw pa niyang tumigil.
Pansin ko kung paano tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Naririnig ko din na may ibang taong nabubulungan.
Nakatingin lang ako kay Carl, nakangiti parin siya sa akin. Nakakainis kasi feeling ko nang-aasar siya.
"Aalis lang ako dito kung tatanggapin mo ang mga ito." Sabi pa niya inaabot niya sa akin ang mga hawak niya. Tinignan ko lang ulit ang mga yun bago siya tignan.
"Wala ka bang klase?" Tanong ko.
"Meron, eight magsisimula." Sabi niya. Napatingin tuloy ako sa relo ko, walanghiya naman oh! Ten minutes nalang eight na.
"Umalis kana, ten minutes nalang eight am na. Naalala ko, hindi ba terror ang prof niyo?" Sambit ko. Nakita ko naman kung paano magbago yung mood niya, bigla siyang hindi mapakali naparang naiihi na natatae. Siguro naalala niya na terror ang prof niya.
"H-Hindi ako aalis dito, hindi mo pa tinatanggap ang mga ito." Halatang kinakabahan na siya at tumitingin na rin sa relo niya. Umupo nalang ako sa upuan ko at hindi siya pinansin.
"Uyy kawawa naman si Carlo, baka hindi siya makapasok nyan." Rinig kong bulong sa akin ng kablockmates ko. Napatingin naman ako kay Carl, hawak niya na ngayon ang phone niya na mukhang may chinachat. Siguro mga kablockmates niya.
Napabuntong hininga ako dahil nakokonsensya ako na baka hindi siya papasukin sa klase niya dahil sa akin, pero bakit ba kasi ang kulit niya at hindi nalang umalis.
Naglakad ako papunta sa kaniya at kinuha ang mga dala niyang chocolates at mga rosas. Nagulat pa siya pero napangiti ulit siya ng malawak.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...