Ang napakasimpleng mga babaeng ito ay may tahimik, masaya, kahit maraming problema na hinaharap naka ngiti parin, kahit mahirap lang sila, hindi naman as in mahirap. at higit sa lahat ay Mababait. Pero may pagkamasungit din.
Paano nalang kung may biglang manggulo sa buhay nilang tahimik?
Ang limang lalaking napaka yabang, sikat, arogante, at walang pakialam sa nararamdaman ng iba.
Ano nalang ang mangyayari sa buhay nila? Magiging tahimik parin ba? O magiging miserable na? Magkakaroon ba ng world war III? Or hahayaan nalang nila?
~~~
Ang 5 magkakaibigan na may magagandang katangian. Mahirap lamang sila, pero hindi sila mukhang pera.
Actually meron silang part time. Para maka tulong narin sa mga parents/gurdian nila.
***
Ang limang lalaki naman na mga mayayaman. Nakukuha nila ang gusto nila. Sikat sa korea at pati narin dito sa pilipinas.
Nilipat sila dito sa pilipinas upang maging independent, meron silang kaniya-kaniyang mga condo.
Masusungit sila, snober din, mayabang, may bad manners. basta yun na un.
~~~~~
Si Mica Angela Baltazar ay napakasimpleng babae.
Madalas masungit.
Pero pagkasama ang kaniyang mga kaibigan, napakadaldal, makulit, maingay, palatawa, at isip bata rin.
Pero siya yung hindi marunong magalit sa kaniyang kaibigan. Mahaba ang pasensya.
Hindi siya mayaman.
Apat ang kaniyang matalik na kaibigan.
Umpisahan natin kay
Ariel Fantom siya yung ang pinaka makulit sa kanila. Simple, Malakas mangtrip. Mapangbara, palaaway, Palatawa, isip bata, Mapagbiro, at Sensitive din siya, madaling maasar, Mapride, at Spoiled din. May pagkaboyish din, at maangas. Brutal siya.
Kagaya ni Mica Ordinaryong estudyante lamang siya. At hindi rin mayaman.
Si Jennifer Bella naman ay napakasimple, Antukin, walang pakialam sa itsura. Malakas din mangtrip gaya ni Ariel. Masungit din, pero malambing sa kaniyang mga kaibigan, mabait, maunawain, Maypagka isip bata rin, mahaba ang pasensya. Malakas tumawa, maingay, matiisin, maangas at boyish.
Pero siya ang madalas mag Advice sa kanilang magkakaibigan.
Pero siya ang pinaka iyakin sa kanilang magkakaibigan. Masungit siya kasi hindi ayaw niyang nakikita ng iba ang kaniyang kahinaan.
Akala mo ang tapang tapang pero pagwalang tao, doon na lalabas ang kahinaan niya. Iyakin siya minsan sensitive. Halos lahat nga eh sinusungitan niya.
Kagaya nina Mica at Ariel ordinaryong estudyante laman siya. At hindi rin siya mayaman.
Si Candice Dela Cruz siya yung madalas na magjoke pero sablay/corny at siya rin yung laging palpak sa kanilang magkakaibigan. Sensitive din siya, palatawa, maingay, chismosa, sumbongera, clumsy, madaldal,mapangbara, mapride at matampuhin.
hindi rin mayaman, hindi rin siya mahirap. Sakto lang.
Pero siya yung pinaka may kaya sa kanila.
At siya rin ang pinaka masipag.
Si Charline Jane Hernandez naman yung simpleng babae na walang ka arte arte sa mga bagay bagay, siya yung pinaka matapang sa kanilang magkakaibigan. Gaya din ni Mica tahimik rin siya pero pagkasama ang barkada doon lumalabas ang totoong siya.
Yung maingay, matrip, at palatawa, mapangbara rin. Pero minsan sensitive siya, at siya rin ay mapride, actually silang dalawa ni Candice ang pinaka mapride sa kanilang magkakaibigan.
Mabait din siya kahit minsan ay masungit.
kagaya din nila ordinaryo lang din siya gaya nila. At hindi rin siya mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang rin.
-----
Silang magkakaibigan, sila yung tipong hindi hindi susuko sa kahit na ano, at sama sama nilang haharapin ang mga iyon.
Palaban sila, masayahin, Mapang bara, kahit minsan sila ay masungit.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Si Prince Vincent Lee ay isang dakilang Mayabang, mahangin, ubod ng sungit, isnabero, cold, mapangbara at palaaway. Hindi niya alam ngumiti. Mainitin ang ulo. Mainipin/maikli ang pasensya. Moody.
Pero sikat, gwapo, matalino, at mayaman.
Half-filipino, and half-korean.
Meron din siyang mga kaibigan.
Si Rey Mark Castro ay isa ding sikat kagaya ni Vincent. Mapangbara, ubod ng sungit, tahimik, pero pagkaharap ang barkada palatawa, mapangtrip din at mabait.
Gwapo, Mayaman din gaya ni Vincent.
Siya yung pinaka masipag, at maintindihin.
half-filipino, and half-japanese
Si Lance Park ang pinaka mapangasar, pero pikon. sikat din. Maingay siya, basagulero/palaaway, may pagkamasungit din pagtimopak. Pero makulit. Maikli din ang pasensya niya, Pero mabait (minsan).
Pero siya ang taga advice sa kaniyang karkada. Mature siyang mag isip.
Kagaya nila gwapo, mayaman, matalino, may pagkamayabang, at mahangin din.
Half-filipino, half-korean.
Si Lexus Adonis siya ang pinaka makulit sa kanilang magkakaibigan. Sikat din. Pikon. Maingay, may pagkamalandi, at may pagkaisip bata din.
Pero may mahabang pasensya.
Mayaman, gwapo, matalino din,mahangin din, at mayabang.
Pure filipino
Si Carlo Santos ang pinaka mabait, maypagka masungit din (kapag wala talaga sa mood) gaya ni Vincent, maingay kaya nila, palatawa, palaaway din. Inipin. Nakakatakot kapag na galit. Pero madalas masayahin.
Pero siya ang kuya sa barkada, siya laging nag aawat kapag merong hindi magandang ginagawa ang kaniyang mga kaibigan.
Mayaman, gwapo, mahangin gaya nila, at mayabang.
Pure filipino.
Meron silang sikat na banda sa korea, kinatitilian sila ng lahat ng mga babae.
Kilalang kilala sila pati dito sa pilipinas, sa inaasahang isang araw ay napadpad sila dito sa pilipinas sa hindi alam na dahilan.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...