JENNIFER'S POV
Nandito ako ngayon sa tinutuluyan ko, hapon na at papunta na dito yung ka group ko sa isang activity. Kinakabahan ako kasi hindi makakapunta yung isa kong ka grupo na babae kaya yung dalawa kong kaklase yung pupunta dito, take note lalaki.
Kinakabahan ako kasi lalaki sila, tsaka knowing them playboy yung isa yung isa naman manyak.
Sinubukan kong i-chat si Harley pero hindi naman online. Wala akong load pang text tsaka pang call sa kaniya kasi free data lang gamit ko pang-chat. 5 pm na, at alam kong magagabihan kami sa pag tapos ng activity namin.
No choice ako, huminga ako ng malalim bago siya chinat.
'Busy ka?'
Yan ang chat ko sa kaniya. Shocks wag nalang pala, baka busy siya. Nag log out na ako. Pero wala pang ilang minuto may tumawag na sa phone ko.
Sinagot ko agad.
"Hello." Bungad ko kay Lance.
[May kailangan ka Jen?] Tanong niya sa akin.
"Tatanungin ko lang sana kung marami ka bang ginagawa ngayon?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.
[Oo, bakit mo naman natanong? Meron ka bang kailangan?]
"Ahh . . . Wala naman, naitanong ko lang. Sige, ituloy mo na ginagawa mo. Bye." Papatayin ko na sana yung tawag pero narinig kong tinawag niya yung pangalan ko.
[Sige na Jen, sabihin mo na.] Kaya napabuntong hininga ako.
"Pupunta kasi dito yung mga ka grupo ko sa activity, gagawin na kasi namin yun ngayon. Pero yung dalawang lalaki lang yung makakapunta, yung isang babae kong ka grupo sinabihan na ako na hindi siya makakapunta. Kaya yun, chinat ko kayo ni Arl, pero hindi naman online si Arl." Paliwanag ko.
[Sige, pupunta ako dyan. Dyan ko nalang gagawin itong mga gagawin ko. Wag mo muna silang papapasukin nang hindi pa ako nakakarating dyan, okay?]
May kung ano sa puso ko, hindi ko alam kung ano yun basta dahil sa sinabi niya napangiti ako.
"Okay. Thank you Lan, ingat." Sabi ko.
Narinig ko namang may kumakatok sa may pinto. Alam kong yun na yung mga ka grupo ko. Binuksan ko yung pinto, lumabas ako at sinarado ulit yung pinto. Kaya nandito kami sa harap ng pinto.
"Umm . . . Hello. Ibaba niyo na muna yang materials natin, may hihintayin lang tayo saglit dito. Okay lang ba sa inyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Okay lang naman, sino bang hihintayin natin? Ang alam ko hindi makakapunta isa nating kasama." Sabi ni Tan.
"Oo nga, pasok na tayo. Kung ayaw mong ikaw pasukan namin." Kinindatan ako ni Daniel. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Yan yung sinasabi kong manyak. Alam ko namang biro lang niya yun pero nakakairita parin.
"Saglit lang talaga, mga 15 minutes lang." Sabi ko.
"Sino bang hihintayin natin? Kailangan talagang hintayin siya dito sa labas? Pwede naman sa loob ah." Sabi pa niya.
"Boyfriend ko, ayaw niya kasing pumasok kayo nang wala siya." Pagsisinungaling ko.
"Alam mo Jennifer, alam kong wala kang boyfriend. Marami kaya akong alam tungkol sayo, gusto mo sabihin ko pa kung anong oras ka naliligo at anong oras ka nakakauwi?" Biglang bumilis tibok ng puso ko. Natatakot na ako sa sinasabi niya. Ang creepy niya.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...