Chapter 65: War of Love

517 14 0
                                    

ARIEL'S POV



"Navideo mo ng buo?" Masayang tanong kay Rey. Kasi nakatago kaming apat nila Charline at Carlo dito sa isang poste para i-video sila Jenny at Lance.





"Oo, nakuhanan ko." Nakangiti niyang sagot.




Isasama namin ito sa MV nila. Hihihi! 😊 kinikilig ako sa kanilang dalawa.




Hay... mabuti pa sila nagkakamabutihan na may payakap-yakap pa sila. Ano kayang pinag-uusapan nila? Tapos biglang umiyak si Jenny.





That's new, ayaw ni Jenny na merong nakakakita na umiiyak siya. Siguro ay dahil mahalaga na si Lance para sa kaniya.




"Oh my! Pabalik na sila sa room. Takbo na tayo." Natatarantang sabi ni Charline at mabilis na tumakbo kasama si Carlo. Nataranta na din kami ni Rey.




Pero patakbo palang ako napatid ako bigla, napaluhod tuloy ako. Hinigit naman ako ni Rey patayo at tumakbo kami pabalik sa room.







*Lub... dub... lub... dub*







Tsk! Bumibilis tibok ng puso ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko.





Ano ba Ariel?! Tumigil kana! May mahal na siyang iba! Kaya wag ka nang mag-ambisyon na mamahalin ka niya!





Nang makabalik na kami sa room, tinanggal ko na pagkakahawak niya sa kamay ko. Dapat talaga na iwasan ko na siya.





Umupo na kami sa upuan namin, sakto na pagkapasok nila Lance at Jenny ay nandyan na din ang teacher namin.










***




-END OF CLASSES-





Paglabas namin ng gate bigla kong nakita si Ronald.





Ronald is our friend pero lumipat na siya ng school but still friends parin kami.





"Ronald?" Sabay sabay na sabi nila Mica, Jenny, Candice at Charline.





"Oo nga si Ronald yun." Sabi ni Jenny.





"Sino yun?" Tanong ni Carlo kay Charline.





"Kaibigan namin."




"Ronald!" Tawag sa kaniya ni Jenny. Lumapit naman si Ronald sa amin at nagfist to fist. Ganun ang batian naming magbabarkada.





"Kamusta na kayo?" Tanong niya sa amin.





"Ito buhay pa naman." Sagot ni Jenny. Natawa naman si Ronald Kay Jenny, ginulo naman niya buhok ni Jenny.




"Ayan ka na naman eh. Sabing wag mong hahawakan buhok ko." Inis na sabi ni Jenny.





"Ang cute mo talaga. Hahaha."





"Hindi ako cute."





"Nga pala sino mga kasama niyo na lalaki? Kayo ha! Hindi kayo nagkukwento sa akin!" Sambit niya.




"Oo nga pala, ito si Vincent boyfriend ko." Pakilala ni Mica sa bf niya. Edi siya na may bf.




"Wow! May boyfriend kana sawakas Mica! Nice to meet you Vincent, ako nga pala si Ronald kaibigan nila Mica." Nakangiting sabi niya at nakipag-shake hands kay Vincent.





When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon