MICA'S POVIlang buwan na din ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Vince, of course it's not easy. It'll never be easy. Sobra ko siyang minahal. Hindi ko nga alam kung may natira pa ba akong pagmamahal sa sarili ko.
We were graduated weeks ago.
Ilang buwan din akong kinulit ni Vince para kausapin siya pero hindi ko siya pinansin o tinignan man lang. Halos araw-araw inaabangan niya ako para kausapin pero nagpapanggap lang ako na hindi siya nakikita at naririnig.
Kakasabi ko lang kanina kay mama na break kami, kanina ko lang nakayang sabihin. Naintindihan niya ako at sinabi ko rin na sasama na ako sa kaniya sa Manila at magta-trabaho sa kompanya niya.
Next week pupunta si mama dito para sunduin ako. Kaya ito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Vince. Alam kong wala si Vince dahil umalis, sinadya ko na pumunta dito ng hindi nagpapakita sa kaniya.
"Ma'am Mica nandito po pala kayo. Matagal na po kayong hindi nakakabisita dito." Bungad sa akin ng guard. Nginitian ko lang siya at pinapasok naman niya ako sa loob.
Pagkapasok ko sa bahay nila Vince ay sumalubong sa akin ang ibang maids at binati ako. Hindi ko alam pero ganun parin ang pag-trato nila sa akin kahit wala na kami ni Vince.
"Long time no see Mica Angela." Bungad na bati sa akin ng mama ni Vince.
"Good afternoon po tita." Bati ko sa kaniya.
"Wala dito si Prince, kaka-alis lang actually." Sabi niya sa akin at nilapitan ako. Naglakad kami papunta sa pool area. Pinaupo niya din ako.
"Wala po si tito?" Yes, tito na ang tawag ko hindi na daddy, dahil wala naman na kami ni Vince kaya hindi na kailangan pang tawagin na daddy yung daddy niya. For me to move on.
"He's in abroad for business."
"Can you wait? Siguro mga six nandito na si Prince."
"Hindi po si Vince ang pinunta ko dito. Gusto ko lang po sana kayong kausapin at makapag paalam ng maayos." Nakita ko na nagtaka siya sa sinabi ko at hindi nakaimik.
"Alam ko po na alam niyo na, na ilang months na nang magbreak kami ni Vince---" Nagulat ako dahil humarap siya sa akin na para bang may narinig na nakakagulat.
"What are you talking about?" Tanong niya sa akin. Lalo naman akong nagtaka.
"Nakipagbreak na ako kay Vince. Hindi ko po alam kung bakit parang gulat na gulat po kayo, hindi po ba sinabi sa inyo ni Vince?" Sabi ko. Umiling siya tapos yung ekspresyon ng mukha niya ay nag-iba. Malamig siyang nakatingin sa akin.
"It's not what you think tita. Hindi po ako nandito para kunin ang mga ino-offer niyo sa akin noon na i-break ko siya at kunin ang pabor niyo." Paliwanag ko.
"Then what are you doing here, kung wala ka namang ibang hihilingin pagkatapos niyong maghiwalay?" Bakas sa boses niya ang galit at inis.
"Tell me, bakit ka nakipag break sa anak ko? Did he not giving you what you want?" Sabi pa niya. Nasaktan ako doon. Yun ba sa tingin niya ang dahilan? Hindi ako ganun ka babaw na tao para makipagbreak lang dahil hindi naibigay ang gusto.
"Mukhang hindi pa po talaga nagsasabi sa inyo na break na kami at kung ano ang dahilan." Nginitian ko si tita at umiling. Bakit hindi pa sinasabi ni Vince na wala na kami? Alam kong alam na din naman ni ate Vanessa, so bakit?
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...