Hi mga readers! Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag update.
You know naman, confiscated parin phone ko.
Pero ito ako ngayon habang wala pa dito sila mom at dad sa bahay.
Nagkalkal ako sa mga gamit ni mom para mahanap itong phone ko.
Hihihi! Bye! Salamat sa pagbabasa. ^_____^
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
JENNIFER'S POV
Nung binuhat ni vincent si Mica, may napansin ako sa damit ni mica.
May kulay pula, nagtaka ako bakit may nakatakip na panyo sa ibabaw ng damit ni mica.
Hindi makalakad si mica? At may sakit?
Hay... Tatanungin ko nalang siya mamaya.
Nag didiscuss ngayon si teacher. Syempre nakikinig ako sa discussion niya.
Hay...
"Nakakailang buntong hininga kana ah." Pabulong na sabi ni... Hindi ko alam ang pangalan.
Si mr. Park pala.
"Pake mo?" Pagsusungit ko sa kaniya.
"Problem?" Biglang tanong niya sa akin.
"Problem?" Takang tanong ko pabalik.
"I mean do you have a problem?" Saan niya.
Hayst...
"Wala. Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo mas gagaan ang loob mo kung sasabihin mo ang problema mo. Wag mong i-sarili yan, mahihirapan ka." Wika niya.
Bakit ang bait niya ngayon? Psh. Hindi bagay sa kaniya.
Ayaw kong sabihin sa mg kaibigan ko itong problema ko na ito.
Ewan ko ba. May side na parang gusto ko itong ilabas, may side din na parang ayaw ko itong ilabas.
Nakakalito noh? Hay...
Madaling mag tago ng tunay na nararamdaman, yun bang ipapakita mo sa iba na kunwari wala kang problema.
Ganun ako ngayon. Sinasakyan ko ang mga trip nila ariel. Nakikitawa ako, nakikipag asaran ako, lagi akong nakangiti.
Pero pag dating ko sa bahay, doon lahat lumalabas ang aking problema, iniiyak ko nalang sa kwarto ko.
Bigla siyang may pinunasan sa may pisngi ko.
At biglang may kuryente akong naramdaman na hindi ko alam kung saan galing.
BINABASA MO ANG
When Poor Girls Meet Rich Boys
Teen Fiction[On-going] [Unedited/Slowly editting] May limang magkakaibigan na babae, mababait, palatawa, maingay, may pagka isip bata, makulit din, pero palaban. Sila ay mahihirap lamang, pero sabi nga nila: "hindi namin kailangan ng pera para maging maayos ang...