Chapter 67: Meet The Parents

546 13 0
                                    

MICA'S POV

-END OF CLASSES-


"Una na ako, gusto kasing makipagkita sa akin si Ronald. Gusto niyong sumama?" Inaya kami ni Ariel.


Oo nga pala tinext ko si Ronald. Sinabi ko na ipasyal niya si Ariel dahil alam kong malungkot siya.


Plano talaga sana naming sumama kaso alam kong sasama na naman si Vince at pati narin kaibigan niya. Kaya mas maganda kung silang dalawa nalang.


"Date niyo yang dalawa kaya hindi kami pwedeng sumama sayo." Sabi naman ni Candice.


"Hindi nga kasi date. Gusto lang makipagkita." Sabi naman ni Ariel.


Pasimple akong tumingin kanila Vince. Nakatingin sila kay Rey. Hindi ko mabasa ang expression ni Rey.


"Pero parang gusto kong sumama." Singit ni Jenny.


"Sasama ka? Sasama din ako." Nakangiting sabi ni Lance kay Jenny. Napangiti nalang ako sa sinabi ni Lance.


"Ikaw sasama? Mukha mo!"


"Edi hindi ka pwedeng sumama sa kanila. Hindi mo ako kasama eh."


"So kailangan kung nasaan ako nandoon karin?"


"Syempre naman." Sabi ni Lance.


"Alam mo Jen kung pinayagan mo akong manligaw sayo, papayagan kita sa mga lakad mo." Nakangiting mapang-asar si Lance kay Jenny.


"Alam mo Lan kahit anong pilit mo sa akin hindi parin ako papayag. Tsaka ngayon pa nga lang na hindi pa kita boyfriend o manliligaw hindi mo na ako pinapayagan, paano nalang kaya kung tayo na edi mas lalo mo naman akong hindi papayagan." Mahabang sabi ni Jenny.


Pero ano? Lan? Ohh... may tawagan na sila ah. Jen at Lan. Cute.


"Tsk. Hindi kita pinapayagan ngayon kasi una, hindi pa tayo. Pangalawa, baka kung anong mangyari sayong masama clumsy ka pa naman at pangatlo dahil baka maagaw ka ng iba." Napanganga naman kaming mga babae dahil sa sinabi niya Kay Jenny.


"Hayst! Dami mong sinasabi! Hindi na ako sasama, happy?!" Sigaw niya Kay lance at tumalikod sa kaniya.


"Ayiiee. Kinikilig siya!" Pang-aasar ni Charline kay Jenny na ngayon ako namumula Ang mga pisngi.


"Wag kang mag-alala Jen hindi ako magsasawang pakiligin ka." Hirit pa ni Lance. Nakita ko naman ang pasimpleng pagface-palm ni Jenny. Kaya alam ko na kinikilig siya.


Yun ang mannerisms niya kapag kinikilig, yung pagface-palm.


"Hala! Pulang pula na mukha mo Jenny!" Panunukso ko.


"Bahala nga kayo dyan!" Sabi ni Jenny at mabilis na naglakad palabas ng room.


"Sundan ko lang yun. Tsaka! Tignan niyo! Binitawan niya kamay ko nandito pa tayo sa school." Protesta ni Lance. Natawa naman kami sa kaniya. Sunundan narin ni Ariel si Jenny na kalalabas lang.


"Gusto mo pang madagdagan araw niyo ha." Sabi ni Carlo sa kaniya.


"Syempre naman, kung hindi pa siya handa na magpaligaw edi sulitin na yung dare na holding hands."


"Ang lupit mo Lance. Sige ipagpatuloy mo." Kantyaw ni Lexus.


"Ganito talaga ang mga gwapo, maparaan." Pagyayabang pa niya.






When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon