Chapter 77: Cry

113 6 2
                                    


MICA'S POV

Ilang years na ang nakalipas at halos lahat ay nagbago. We are already forth year college and yes, we are a graduating students. Mahirap man pero kinakaya.


If you're asking me about our lovelife, well I'll tell you.


Well, okay na okay kami ni Vince. Minsan hindi talaga maiiwasan yung tampuhan, pero luckily pinag-uusapan namin agad at mahinahon kapag merong problema. Iniintindi niya ako at ganun din ako sa kaniya.


Yung parents niya? Okay lang din sila at tinatrato nila ako ng mabuti. Well, yung mom ni Vince, nabawasan na yung pang-iinsulto sa akin. Not that iniinsulto talaga, it's just sometimes her simple words turn into knives.


Pero gaya nga ng sabi ko, hindi dahil ayaw niya sa akin ay hihiwalayan ko na si Vince. Kahit na ipamukha niya sa akin na hindi niya ako gusto para sa anak niya, kahit pa na suhulan niya ako ng pera at kahit na i-blackmail pa niya ako, hinding-hindi ko hihiwalayan ang anak niya. Mahal na mahal ko siya at alam kong ganun din siya.


Carlo and Charline are still best friends. Hindi ko alam pero best friends parin sila hanggang ngayon. Araw-araw silang magkasama pero they on denying na best friends lang daw sila. If you are asking about Steven, well close na ulit sila ni Lin. Dahil doon napagtanto ko na naka move on na talaga si Lin kay Steven, inis lang minsan si Carlo kay Steven kasi nga close na sila ni Lin.


Lexus at Candice? Last week nabalitaan kong muntik na silang maghiwalay, dahil nalaman namin na nag bar pala sila Lexus ng mga ka-block niya sa university namin. Tapos sinumbong ni Lance na merong humalik kay Lexus. Hindi kasi sinabi ni Lexus kasi takot daw siya tapos nawala phone niya nung time na yun. Kabibili pa nga lang niya ng phone nung isang araw.


Ang tinakbuhan ni Lexus ay si Jenny kasi busy kami at nagkataon na walang ginagawa si Jenny kaya yun. Si Jenny yung naging tulay kung paano sila nagkausap, naging messenger siya kumbaga. Pero okay naman na daw sila ngayon yun ang text sa amin ni Jenny.


Sina Lance naman ayun, nililigawan na niya si Jenny. Ilang years na, 2 years na. Ganun siya ka tindi magtiis pagdating sa kaniya. Sa totoo lang pinilit niya si Jenny na payagan siya manligaw. Pero mukha namang masaya si Lance kahit na hindi pa siya sinasagot kasi naman lagi niyang kasama si Jenny. Nagiging dependent na din kasi si Jenny kay Lance kaya I'm sure sooner or later sasagutin niya na ito.


Si Harley? Hmm . . . Close friends na sila ni Lance kaya walang problema si Jenny sa kanila. Minsan nga inis na inis na si Jenny dahil kapag nagsama silang dalawa, kawawa si Jenny. Pero at least meron siyang dalawang lalaking kaibigan na magtatanggol sa kaniya. At doon ko din napagtanto na magkaibigan lang talaga turingan nila Jenny at Harley sa isa't isa.


Sina Rey Mark at Ariel naman ito kasama ko, nagkatampuhan sila dahil sa pagkaseloso nitong si Rey. Paano ba naman nakita niya daw si Ariel na may kasamang lalaki. Si Ariel naman sinabi niya na ka partner niya lang daw yun sa project nila. Hindi lang kasi yun, may date silang dalawa nung time na yun pero nakalimutan ni Ariel at ayun nakita ni Rey. Kaya ito sila nagsasagutan sa harap ko.


Nandito kami sa labas ng mall, papasok na kami. Saturday ngayon kaya pwede akong lumabas ng school.


"Sinabi ko naman kasi sayo na nakalimutan ko lang yung date natin dahil nga sa project na ginagawa namin nung partner ko." Explain ni Ariel kay Rey.


"Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na lalaki pala yung ka partner mo?! Kung hindi ko pa kayo nakita hindi mo pa sa akin sasabihin!" Galit na galit na sabi ni Rey.


When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon