Chapter 73

204 7 0
                                    

~*~

Z

orren's POV

Yes. I have this kind of eye color. Minsan ay natural lang ito pero kung minsan naman ay nagiging red o pink dahil sa pagle-leak ng aking dugo papunta sa iris ng aking mata.

(Two major conditions cause a red or pinkish eye color: albinism and blood leaking into the iris. )

Nag flashback lahat ng alaala namin noon.. Pero noon pa yun.

Hindi ako papayag na matapos ito sa ganito lang. At ano nanaman? Makakatakas nanaman sya at kung kelan masaya kami saka sya magpapakita at manggugulo?.

Hindi naman pwede yun. May mga kasamahan akong napatay nila at pati na din si hyung kagaya nilang nakabulagta ngayon at duguan.

Nag aagaw buhay dahil sa pagkaubos ng dugo. Nasa bingit ng kamatayan ang kaluluwa nya at di natin alam kung anong mangyayare sa kanya.

At sigurado akong pag nawala sya di ako mapapatawad nila dad. Si kuya  siya ang palaging inaalala ni dad dahil siya nalang ang pinag kakatiwalaan nito.

Samantalang ako nawala lahat, nawala ang tiwala nya sa akin sa kagagawan ng taong nasa harapan ko ngayon. Kagagawan niya lahat ng 'to kaya nawala ang lahat sa akin.

Kung hindi nya inagaw sa akin noon si Zaira hindi 'to mangyayare. Edi sana hanggang ngayon meron padin silang tiwala sa akin.

Kaya hindi ako papayag na dito nalang mauwi ang lahat ng ito. Mabubuhay si Hyung at si Joven ang mamamtay. Siya ang pinag ugatan ng lahat ng 'to kaya ngayon ako na ang bubuhot ng ugat na iyon para dina ito patuloy na manira pa.

Kung sya ang pinag ugatan ng lahat ng problema sa buhay namin. Ako naman ang mag sisilbing magsasaka na bubunot at puputol sa ano mang bahagi ng katawan nya para di na sya patuloy na maminsala pa at manira ng ibang mga halaman o buhay na masaya.

Hindi dapat sya nabubuhay sa mundong ito dahil hindi sya kagaya namin. Kung sya puro kayamanan at kapangyarihan ang hanap ako hindi., Tanging kapayapaan lang at saya sa buhay ang gusto ko.

Agad kong sinapak ito ng makatayo sya. Kasama akong bumagsak dahil sa pagkakalakas ng sapak ko sa kanya.

"Argh.." Napapikit nalang ako ng mag tumusok sa bubog sa hita ko.

Lumabas dito ang maraming dugo. Kaya kahit masakit pinilit ko itong tanggalin.

Gumapang ako palapit kay Joven. Kinuwelyohan ko ito at agad na punaibabaw sa kanya.

Pinagsusuntok ko ang mukha nito hanggang sa sumuka na sya ng dugo.
Nangingitim ang buong mukha nya dahil sa pasang natatamo nya.

Siya puro pasa lang at gasgas pero ako puro saksak at sugat ang nasa katawan ko. Mga dugo ang bumabalot sa akin.

Medyo nakakaramdam nadin ako ng pagkahilo dahil sa maraming dugo na ang nabawas sa akin.

Napa luha nalang ako habang pinagsusuntok si Joven sa mukha.

Naalala ko ang mga nangyare noon. Ang mga bagay na ginawa nya noong nasa gang pa namin sya. Ilang beses nya akong niligtas. At ilang beses ding nauwi sa kapahamakan ang buhay nya kakaligtas sa akin wag lang ako ang malagay sa kapahamakan. Ilang beses syang nahampas sa likod, ilang beses syang tinamaan ng bala sa mukha at ulo, ilang beses nyang nasaksak dahil sa ayaw nitong ako ang madapuan ng kahit akong patalim...

Pero ngayon wala na ... Ibang iba na ang Joven na kilala ko. Hindi na sya yung taong nagliligtas sa akin kundi sya na mismo yung taong gumagawa ng daan para lang mapatay at mapabagsak ako.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon