Chapter 67

6.4K 174 9
                                    

Dedicated to vhyunlife2830. Thanks sa support bhee.. 😘😘😘

~*~

Mikay's POV

Napahilamos nalang ako dahil sa napaka samang panaginip na yun.

Kinidnap daw si Zorren ni Hunter at may dalawang abandoned house akong pinuntahan ng ako lang mag isa. At dun sa pangalawa nakita ko si Zorren sa likod ng bahay nayun na duguan at wala ng buhay..

Buti nalang at naputol agad ang panaginip ko sa pag katok ni mama dito sa kwarto ko.

Naalala ko. Bago pa ang panaginip kong iyon may mas nauna pa. Meron daw isang baby na pinanganak. Nakita ko si mama doon at si Jes..

Si Jes kandong sya ni mama habang nag hihintay sa labas ng emergency room.

Tapos lumabas bigla yung doctor at sinabing okey na. Di ko na alam yung iba pang sumunod na pang yayare at tila ba parang na forward agad yung pang yayare at nakita ko nalang si mama ay kinuha ako dun sa bestfriend nyang yung nasa picture.

"Ingatan mo sya Leny"

"Oo. Hindi ko hahayaan si Amira."

"Ingatan mo sya Leny"

"Oo. Hindi ko hahayaan si Amira."

"Ingatan mo sya Leny"

"Oo. Hindi ko hahayaan si Amira."

"Ingatan mo sya Leny"

"Oo. Hindi ko hahayaan si Amira."

Paulit ulit nalang yan pumapasok sa isip ko. Bakit ang gulo. Bakit ako iingatan ni mama at anong koneksyon ko dun sa best friend nya na nasa picture?

At bakit ako buhat ng babaeng yun sa picture nayun kasama si Jes at isang lalaki?.. Naguguluhan na ako.

"Anak" napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at nakita doon si mama.

"Kakain na tayo" tumango ako at tumayo na.

Sumunod ako kay mama sa kusina at naupo na kming pareho saka nag simulang kumain.

Muli kong naalala yung panaginip ko.

"Ingatan mo sya Leny."

"Oo. Iingatan ko si Amira"

"Ma"

"Hmm?"

"Y-yung~" hindi ko alam kung kaya ko bang itanong kay mama to pero kase hindi naman ako mapakali na di malaman kung anong klase yung panaginip ko about dun sa bestfriend niya at sinasabi nilang ingatan nila ako.

At isa pa, ayoko namang pag hinalaan si mama sa kung ano mang klaseng panaginip yun.

Sana mali ako ng iniisip. Sana mali talaga. .

"Ano yun anak?" Tanong nito.

"M-may napanaginipan po kase ako." Sagot ko habang naka tingin sa pag kain ko.

"Bakit? Ano napanaginipan mo?"

"Kayo po at si Jes" tumingin ako kay mama. "N-nasa hospital daw po kayo t-tapos yung bestfriend nyo po ni tita Nerry na... nasa picture na nahulog nyo nung minsan n-nanganak daw po sya tapos sinabi nyo pong iingatan nyo daw po dapat ako" tinignan ko si mama at kitang kita ko kung paanong nagbago ang reaksyon niya at rumihistro ang gulat sa mga mata nya.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon