~*~
Mikay's POV
"Oh anak. Palagay na ito dun sa lamesa"
"Sige po ma!" Kinuha ko ang bowl ng spaghetti na inaabot sa akin ni mama at dinala sa lames.
"Hi ate Amiya"
"Hello Rinrin" pinisil ko ang pisngi ni Rinrin dahil sa napaka-cute niyang batang.
"Eto po legalo ko tayo ate" inabot nito sa akin ang laruan nyang teddy bear.
"Wow. Ang kyut naman. Pano yan kung ibibigay mo sa akin to? Ano nang laruan mo?" Tanong ko dito at lumuhod para pantayan ko sya.
"Yan po" tinuro nito ang teddy bear na hawak ko.
"Akala ko regalo mo to sa akin?" Naka ngiting tanong ko. Ang cute talaga nitong batang to nakaka gigil. Ang taba taba ng pisngi nya tapos para syang may blush on na konti. Iba talaga pag baby palang napaka kinis ng balat.
"Opo. Legalo ko yan tapos laluan ko yan. Tayo muna po yan ha. Lalalo pa kami ni kuya e" sambit nito at tumakbo palabas papunta sa terrace.
Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko muna nilagay yung teddy bear nya at bumalik nako sa kusina para tulungan si mama at sila Tita.
Lahat ng mga pinsan ko andito. Ganito kami pag Christmas. Next year kila Julie naman kami magki Christmas. Salit salitan kase. Basta yun na yun.
"Kyahh!!! Ayan na 15 minutes nalang beb Christmas na!!" Tili ni Julie.
"Osya. Sige ayusin na natin lahat ng handa para matapos na at makapag countdown tayo mamaya" tumango naman kami ni Julie sa sinabi ni mama at agad na nagmadali sa pag aayos.
Di nag tagal naayos na namin ang lahat kaya pa easy easy nalang kami.
"Yan nahh!! 10!"
"9!"
"8!"
Nagmadali kaming nag silabasan para mahintay namin ang mga fireworks na mag sisiputukan mamaya pag patak ng saktong 12:00
"7!"
"6!"
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!!!!".
"MERRY CHRISTMAS!!!!!" Nag sikalampagan kami ng mga planggana at yung mga bata ko namang pinsan ay at totorotot. Diba dapat sa New year yan?.
Dala lang ng kasayahan.
Nag sigawan kami ng makita ang mga fireworks na nag sisiputukan sa himpapawid.
"Ang ganda beb" sambit ko kay Julie.
"Oo nga. Picturan natin dali!!" Agad kaming nag silabas ng cellphone at kinuhanan ng picture ang mga fireworks.
Naka receive ako bigla ng text mula kay Zorren.
From: Poging Zorren
Oo pinakielaman nya nanaman cellphone ko.
Merry Christmas panget!!🎉🎉
Walangya talaga tong taong to. Pasko naman e di pa ako pinag bigyan na wag tawaging panget. Grabe siyang makapanget, kung tinignan nya muna sana itsura nya.
Basta di padin ako sanay na tinatawag ng ganun.
To: Poging Zorren
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..